MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Inuna niyang binuksan ang maliit na kahon. Isang white gold watch. May nakasulat pa sa likod ng relo. To my special love, Lane. Maliliit lang ang fonts na ginamit pero basang basa ni Lane iyun. Agad niya itong isinuot habang hindi nawawala ang mga ngiti nito sa labi. Hindi niya alam kung anong nagtulak iyun na gawin iyun.
Kung may isang alahas na inaayawan niya ay ang relo. Pakiramdam niya kapag may orasan sa bisig ay palaging may reminder ka na kailangang matapos ang isang bagay at pakiramdam niya ay kontralado siya ng panahon. Pero ngayon na galing sa binata ang nasabing regalo ay basta na lamang niya ito ininuot. Isinunod niya ang maikling sulat. Nakasaad doon kung gaano siya nito kamahal. And she was puzzled reading the last sentence na nagsaad na masakit pala ang mahalin ang isang katulad niya. Bigla niyang naisip na baka may kinalaman ang cd at sa huling sinabi ng binata. Nagmamadali niyang isinalang ito.
Biglang nanghina ang dalaga ng tumambad sa kanya ang dalawang babaeng nag-uusap na nasa screen. Si Jean at siya! Rumehistro ang sinabi ni Jean sa kanya bago sila naghiwalay sa kanilang pagsisigawan. Na mararamdaman din niya ang sakit. Na sa huli ay si Jean pa rin ang panalo sa kanilang kompetisyo
“Kumusta ang kaibigan ko?” si Jean at nakangiti ito sa kanya.
“Pwede ba tigilan mo na ako sa kaplastikan mo.” Banayad niyang sagot.
Akala niya ay magugulat si Jean sa kanyang sagot, pero ngumiti lamang ito. Parang balewala sa kanya ang kanyang sinabi.
“Lane, Lane, Lane, ano kaya ang maramdaman ni Neil kapag sinabi kong pinaglalaruan mo lamang siya.”
“How dare you to that. Hindi iyan totoo.”
“Come on. Alam ko namang narinig mo ang balak ko, hindi ba? Inunahan mo lamng ako dahil ayaw mong maging talunan!”
Iba agad ang naging dating sa dalaga ang pagsigaw sa kanya ng kaharap.
“Yes! Dahil masyadong mataas ang pride mo. Hindi mo matanggap na ako ang minahal ni Joshua. At hindi ako patatalo sa iyo. And before you bet, hawak ko na si Neil.”
“Nahawakan mo dahil ayaw mong maging loser, Lane.”
“Of course kaya ngayon pa lamang tanggapin mo ng hindi ka papansinin ni Neil. Talo ka ulit, girl. Ngayon pa lang ay matuto ka ng tanggapin na palagi kang second choice.”
At naputol na ang pinapanood ni Lane. Naghimagsik ang utak niya. Maraming kulang na hindi nakalagay sa video. Mahaba pa ang naging pagtatalo nila. Naitama niya ang lahat na mga sinabi niya sa una nilang pag-uusap.
Ngayon ay alam na ng dalaga ng dahilan ng bigla na lamang pag-alis ni Neil. Napaupo siya sa kanyang kama. Kung iyun lang ang napanood ni Neil ay hindi niya ito masisisi kung sakali mang nagtampo ito o nagalit. Babalik din naman siya, alam niya iyun.
Isa. Dalawa. Tatlo. Malapit ng mag-isang buwan pero hindi pa rin nagbabalik si Neil. Malapit na ang graduation niya pero wala pa siya. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga magulang nito dahil baka magtaka kung bakit biglang naging aware siya para dito.
Ilang buwan na ang lumipas pero wala pa rin si Neil. Lumipas ang araw. Naging linggo hanggang sa umabot sa maraming buwan. Ngayon halos tatlong taon na pero wala pa rin ang binata. Sa loob ng panahong hindi niya ito nakita. May napatunayan na siya. Umiibig na siya kay Neil. Hinihintay na niya ang pagdating nito para humingi ng tawad at para sabihing mahal na rin niya ito. Hindi na isang kasinungalingan o laro. Gusto niyang gawin dahil iyun ang totoong nararamdaman niya at hindi upang ipakitang siya ang palaging panalo. Sasabihin niya ang mga salitang iyun dahil ito ang totoo. Mahal na niya talaga si Neil. At ipaglalaban niya ang nararmdaman niya kahit na anong mangyari.
Tulad ng kanyang nakagawian, tuwing pag-uwi galing sa opisina ay pinipilit niyang ngumiti. Ang ipakita sa kanyang Papa at sa mga kasambahay na masaya siya palagi. Wala siyang iniisip na mabigat na problema at kayang kaya niya ang pressure sa trabaho. But the truth is hirap na hirap na ang kanyang kalooban.
Bumababa siya ng kanyang sasakyan. Ragalo iyun ng ama sa ikadalawampu’t apat niyang kaarawan. Napakabilis talagang lumipas ng panahon. Ilang buwan na lang din ang bibilangin ay silver birthday na niya. Hanggang ngayon wala pa rin kahit na anino ni Neil.
Nagtaka ang dalaga. Nadatnan niya kasing bukas ang gate. May anim yatang kalalakihan na kausap ng kanyang ama. Napatda siya at biglang lumakas ang kabog ng dibdib. Nakita niyang naroon dina ng mag-asawang Gina at Marlon. Umiiyak ang mga ito.
Lalo siyang nagtaka ng makitang may mga press din pala sa loob ng kanilang bakuran. Halos hilahin niya ang mga paa sa paghakbang. Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sa kinaroroonan ng kanyang ama. Mayroon na siya agad naisip pero ayaw niya ang bagay na iyun. Hindi maaaring mangyari!
“P-Papa, what happened?”
“Lane, hija. Neil…he is dead.”
“N-No.”
“Yes, hija.”
“H-How come?”
“He is an agent of NBI. Bagamat nabuwag niya ang mga protektor ng pinakamalaking sindikato ng bansa, he was shot.”

BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomanceItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...