MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
“Lester, she is Jean. Jean, meet Lester, boyfriend ko.” Walang gatol ang sagot ng dalaga. Panakaw nitong sinulyapan ang binata.
Ng makaupo sila ay humingi ng dispensa ang dalaga dahil sa pagsisinungaling nito. Ayaw niya yatang maging katatawanan sa harap ng kanyang mga kaibigan. Alam niyang masakit iyun para kay Lester dahil ginawa niya itong kasangkapan. Halod naman kasi lahat ng nagsidalo ay kilala siya at kilala rin niya. Kasama nila ang kanilang mga kabiyak, samantalang siya ay wala man lang maipakita kahit na kasintahan. Naisip niya na lamang si Lester. Guwapo naman ito At hindi siya alangan sa kanya. Ang kaso nga lamang napansin niyang parang asiwa ang binata. Hindi niya alam kung nagtampo ito dahil sa ginawa niya o hindi.
“Galit ka ba sa ginawa ko?” bulong ni Lane sa katabi.
Umiling ang binata at ngumiti ito sa kanya.
Habang nagpapalitan ang mga salita ng pagmamahalan ng dalawang ikakasal ay hindi mapigilan ni Lane na maalala si Neil. Kung sana hindi ito namatay, maaring ikinasal na rin sila sa ngayon. Baka may anak na nga rin ang mga ito.
Sayang nga lamang at isa siyang biktima ng mapaglarong tadhana. Kung kailang niya gustong ipagtapat na mahal na niya ang bianta ay saka naman ito nawala sa kanya. Kung maibabalik lamang ang panahon, kahit pa noong mga kabaataan nila ay hindi niya pagmamalditahan si Neil at buburahin ang araw ng kamatayan nito.
Ang kasabihan nga na ang pagsisisi ay nasa huli. Kung nasa kasalukuyang sitwasyon na ang isang tao, hindi na maisip ang mga kahihinatnan nito. Kung siya lamang ang may kakayahan nan burahin ang kahapon ay matagal na niya iyung ginawa. Kung kaya klamang niyang i-edit ang mga pangyayari sa kanyang buhay.
Durog na durog ang kanyang pagkatao habang naiisip ang mga nagawa niyang pagkakamali. Sasabihing bata pa laamng siya noon, pero hindi dapat paglaruan ang damdamin ng isang tao.
“Give me the key, Lester!” utos ng dalaga sa binata.
Katatapos lang ng seremonya sa kasal nina Joshua at Mila. Sa reception na ang tungo nila ng bigla siyang inutusan ng dalaga na bumaba at hingin ang susi. Bigla na lamang napahagulhol ang dalaga habang binabagtas nila ang daan. Maaaring hindi niya talaga tanggapmna may nabuntis ang kasintahan. Biglang kinabahan ang binata para kay Lane. Luhaan ito at halatang masamang masama ang kanyang loob. Baka kung anong mangyari sa kanya.
Tumanggi siyang ibigay ang susi. Siya daw ang magmamaneho kahit saan niya balak pumunta.
“Sa sementeryo tayo.”
Nagtataka man ay sumunod na lamang si Lester sa utos ng dalaga. Ano naman ang binalak ng dalaga na gagawin sa sementeryo?
Hindi alintana ni Lane kahit pa mataas na takong ng sapatos niya na ibinagay niya sa maikli nitong pink dress bago siya bumaba ay binitbit niya ang kanyang laptop at kinuha ang dalawang cd sa ilalim ng upuan ng sasakyan.
Nangunot ang noo ni Lester. Kabaliwan naman yatang matatawag na may ka business deal ang dalaga dito. Hindi niya tuloy namalayan na malayo na ang dalaga sa kanya. Nasa harapan na ito ng isang nitso. Pamilyar iyun kay Lester. Napuntahan na rin niya ang bahaging ito ng naturang lugar. Ito ang nitsong pag-aari ng kanyang patay na katawan na gawa sa wax at pekeng builn-in bones. Kung may magtangkang mang humukay ay maniniwalang siya nga ang nakalibing.
Napatingala sa ulap ang binata. Pati ang mismong mga magulang ay hindi siya nakilala dahil sa kanyang bagong anyo. Mas gusto niya ang kanyang dating mukha. Pero kailangang gumamit siya ng ibang kaanyuan upang matapos na ang operasyon ng mga sindikato at upang malamang kung sino ang ahas sa grupo. Kung hindi nila ito agad nalaman ay tiyak na totoong patay na sana ngayon si Neil Daquigan. Wala rin sana ngayon ang isang Lester Rosqueta.
Pagkapatos malutas ang malaking proyektong ito. Tiyak na maraming magugulat sa kanyang paglantad. Matutuwa ang kanyang Inay at Itay. Hindi niya rin maisip kung anong magiging reaksiyon ni Lane kung sakaling malaman niya ang buong katotohanan.
How he wanted to cup her in his arms and to feel her sweet lips again. Pero pilit niyang pinigil ang sarili. Lalo na at masakit pa rin sa kanyang puso ang ginawa ng dalaga sa kanya. naroon pa rin ang sugat. Walang closure ang lahat. Ang dalawang cd na hawak ng dalaga. Pamilyar sa kanya ang isa, pero hindi niya alam kung ano ang pangalawa.
Nilapitan niya ang dalaga. Nakatayo ito sa harapan ng nitso ni Neil at bagamat luhaan ay tahimik ito. Mga ilang sandali rin na nakatingin ito sa kawalan.
“Neil, bakit hanggang ngayon hirap na hirap pa rin ako? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, oh…” napaiyak ang dalaga.
Napapikit si Neil habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Nahihiwagaan siya at gusto niyang pakinggan ito. Umupo si Lane at isinaksak ang isang cd.
“Iyan ang lang ang mga napnood at narinig mo, Neil. But the whole truth is this.” Parang talagang alam ng dalaga na si Neil ay si Lester dahil kung makapagsalita ito ay parang buhay ang kanyang kinakausap.
Lalong nahaluan ng pagtataka si Neil. Isinentro niya ang paningin sa laptop at pinanood ay pinakinggan niyang mabuti ang mga dialogue ng dalawang dalaga.
“Pinagsisihan ko ang araw na itinuring kitang kaibigan, Jean!” galit ang boses ni Lane. Pati ang kanyang mga mata ay puno ng hinanakit sa kaharap.
“Bakit Lane, iniwan ka na ni Neil? Sabi ko naman sa iyo na ako ang mananalo sa larong ito.”
“Pero edited ang ibinigay mong kopya sa kanya. binura mo ang mga huli nating pag-uusap!”
“Of course, brat! Kung mapapanood lahat ni Neil eh di mawawala ang galit niya sa iyo. Ano ako, tanga?”
“I want the original copy!”
“Pasensiya ka na girl, wala na.”
“How dare you. Sinabi ko in the end na handa akong mahalin si Neil dahil masaya ako sa kanya…”
“Yes, and you even told me na may nararamdaman ka kay Neil but you don’t know what is it…and somehow you think you’re falling inlove with Neil.”
“Exactly! And if the feeling is love I’m willing to love him. And I want to tell this to my Papa at ipaglaban ang relasyon namin ni Neil!”
“But he will never believe in you. For him, you’re nothing but a liar!” ngumisi si Jean sa kanya ang kausap.
“Dahil sa kagagawan mo Jean. Balang araw maniniwala sa akin si Neil. Neil is my boyfriend at hindi niya ako iiwan!”
“Are you sure?” tumawa ito ng nakakaloka.
“I am! Kilala ko si Neil, I know how much he loves me!”
Lalo lamang siyang inasar ni Jean dahil kabisado pa pala daw niya ang lahat ng mga sinabi niya. Napahalakhak si Lane ng sinabi nitong talunan siya in the end.
“Of course not, my dear! Hindi ka ba nagtaka na nakasuot ako ng sunglasses and it’s not sunny? Nagpalagay ako dito ng camera na connected sa computer ko. And Pia is shooting us over there. Gagawa ako ng kopya and give to Neil. Ikaw pa rin ang talunan, girl.”
Galit na galit na umalis si Jean. Akala niya ay hawak niya si Pia. Pero kay Lane pa rin pala kumampi in the end.
Tapos na ang nasa screen pero tahimik pa rin ang dalaga. Pakiramdam ni Lane wala ring silbi ito. Ng handa na niyang sabihin ang lahat ay tuluyan ng nawala si Neil sa kanya. Kahit na ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin niya ito makalimutan.
BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomanceItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...