Chapter 5

5.6K 155 0
                                        

MY HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas

Tulad ng dati. Hindi pa man siya nakakababa ng sasakyan ay papalapit na si Jean sa kanila. Talaga palang gusto na niyang umpisahan ang lahat. Siya ang binati nito pero kay Neil naka glue ang kanyang mga mata.

“Neil, para sa iyo.” At may inabot pang regalo.

“Thank you, Jean. Alam mo ang bait mo talaga.”

“Wala iyun. Sige maiwan ko muna kayo. See you na lang sa klase Lane.” At sinabayan pang iindayog ang kanyang balakang habang naglalakad.

‘Lukaret! May pakendeng kendeng pang nalalaman. Hindi naman mabilog ang balakang! ’ Himutok ng dalaga.

At ang mokong na ito. Binuksan agad ang regalo. Kung umasta ay batang sabik sa mumurahing ice cream. Isang pale blue na sando at dark blue na pantalong maong. Nakita niya ang katuwaan ng binata sa hawak nito. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakaramdam siya ng inis dito. Inagaw niya ang mga ito sa nabiglang binata.

“Lane, bakit?”

“Hindi mo bagay ang kulay. Dadaan tayo mamaya sa mall. Ako ang pipili ng para sa iyo.”

“Regalo sa akin iyan.”

Hindi siya pinansin ng dalaga. Handa na siyang itapon sa basurahan ng makita niya ang bago nilang janitor. Kinawayan niya ito. Tila nahihiya pa itong lumapit sa kanila.

“Manong, sa iyo na ito.”

Kinamot ng kausapa ng kanyang batok. Ngumiti ito kay Lane pero napako ang tingin niya kay Neil. Nahulaan ni Lane ang iniisip nito.

“Huwag niyo na akong tanggihan. Inyo na po ito. Hindi gusto ng boyfriend ko.” 

Kumindat ito kay Neil. 

At inabot iyun sa lalake. Malaki ang pasasalamat nito. Kaarawan daw ng kanyang anak at may ireregalo siya. Hindi na niya muling binalingan si Neil. Inayos lang niya sandali ang kanyang buhok at nagtungo na sa loob.

Hindi malaman ni Neil kung anong magiging reaksyon niya sa nangyari. Kahit biro lamang ang kanyang mga sinabi ay napakasaya niya sa sandaling sinabi ni Lane na boyfriend siya nito.

Tulad ng ipinangako ng dalaga ay dumaan sila sa isang mall. Ipinamili niya ng damit ang binata. Tumanggi si Neil sa una pero nagpumilit si Lane. Kapalit ng ipinamigay niyang regalo mula kay Jean. She even dare na sabihin kay Neil na huwag na siyang tumanggap ng anumang regalo mula kay Jean. Ipapamigay daw niya ulit. Nagtataka man si Neil sa ikinikilos ng dalaga ay nangako ito sa kanya.

Kapag hindi siya tumupad sa pangako sa dalaga o anong bagay na gusto niyang mangyari ay tuluyan na itong magalit sa kanya. Napansin niyang bumait ang dalaga sa kanya. Ayaw niyang sayangin ang anumang pagkakataon upang tuluyan siyang mapalapit dito.

Bumili rin si Lane ng para sa kanya. Bale terno iyun sa napili rin niya para kay Neil. Puting t-shirt kay Neil na ang design ay si kupido at siya ay isang puting hapit na hapit na sleeveless rin na ang design naman ay puso na may nakatusok na arrow.

Binilin niya rin ang binata na ang mga pinamili nilang damit ngayon ay isusuot nila sa school. Wala silang pasok bukas. Kahit na Biyernes pa lamang. May gaganaping kasing inter scool basketball at dapat papasok pa rin lahat ng mga estudyante. Tingnan lang niya kung hindi malaglag ang mga mata ng Jean na iyun. Balak pa lang siyang kalabanin, pero wala pa sa kalingkingan niya ang ginaganmit nitong tricks.

Bahagya pang nagulat ang kanyang ama ng makasalubong niya ang dalawa. Pinalipat lipat ang tingin sa dalawa.

“Valentines ba ngayon?” biro niya sa anak.

“Papa! Nakatuwaan lang namin ni Neil na bilhin ang mga ito.” At hinila niya si Neil. Hindi na nagawang magpaalam man lang ang binata dahil nagmamadali na si lane sa pag-alis. Palibhasa ay paborito niyang manood ng basketbol at sa pag cheering na rin sa mapipiling koponan nito. 

Nakangiting sinundan ng tingin ni Manny ang dalawa. Sa wakas ay nakita rin niyang ngumiti ang kanyang anak. Naghilom na rin ang sugat na dala ng una niyang pag-ibig. Sana mapansin ni Lane na may isang lalakeng nararapat sa kanya, malapit na malapit lang sa kanyang anak.

Isinuot ni Neil ang biniling t-shirt pati ang pantalon. Naka benetton shoes ito. Gray ang sumbrero na may nakaburada pang pangalan niya sa gilid. Nakasuot ng shades. Natigilan ang dalaga ng makita niya ang ganiting porma ni Neil. Lalo itong naging makisig sa kanyang suot. Lalong namutawi ang kanyang kapogihan.

Idinaan na lamang niya sa kunwaring pagmamadali ang lahat bago tuluyang mapansin ni Neil na natigilan siya ng makita ito.

Ipinusod niya paitaas ang mahaba niyang buhok. Ang kapares na sando ang kanyang suot. Binagayan niya ng fitted na maong jeans at beige boots. Tamang tama talaga ang dala nila para manood. Hindi napapanahon ang tema ng suot nila, so what!

“Neil, hindi na lang kotse ang gamitin natin.” Sabi ni Lane ng paandarin na ng binata ang sasakyan.

Nagtaka ang binata. Mataman niyang tiningnan si Lane. Imposible namang papayag itong mag taxi lang sila. At lalong imposible kung maglakad na lamang sila dahil may kalayuan ang university ng dalaga.

“Ano, Lane?”

“Iyong single motor ni Papa. Hiramin natin.” 

At mabilis ang dalagang bumaba para ipagpaalam iyun sa ama. Natatawa na lamang ang binata sa mga asal ng dalaga. Sa mga nagdaang araw ay marami siyang kilos na ipinagtataka ng binata. Pero deep inside him ay natutuwa siya. Pakiramdam niya ay mas nagiging masaya siyang kasama nito. At kung itio man ang totoong pagkatao ni Lane ay lalong minahal niya ang dalaga.

Labis ang katuwaan ng dalaga habang nasa daan sila. Lalao na kapag traffic at isinisingit ni Neil ang motor, lalo siyang nagiging excited at napapahigpit ang yakap nito sa binata. Ngayon na lamang siya ulit nakasakay ng motor at talagang enjoy na enjoy siya. Hindi naman kasi pwedeng iangkas siya araw araw ni Neil pagpunta ng school.

Nakita na niya agad si Jean. Nag-aabang sa labas. Hindi niya sila agad napansin. Nakasuot ito ng isang dangkal na palda. Parang nagmukha tuloy entertainer at hindi viewer ng isang laro.

“Hi, Jean!” siya na ang nagpapansin dito.

“Lane?”

Bakas sa mukha nito ang gulat. Tatanungin sana niya kung bakit hindi ang kotse niya ang sinakyan nila. Pero lalong bumakas ang gulat nito ng tanggalin ni Neil ang helmet at jacket nito. Napansin niya marahil ang suot nilang dalawa. At ang gaga lalong namula sa inggit ng naayos na ni Neil ang sarili at nakangiting lumapit ito sa kanila.

“Kumusta, Jean?”

“M-Mabuti.

“Sige Jean. Mauna na kami ni Neil.”

“Wait! Neil para sa iyo ito.” May inabot itong paper bag sa binata. Aabutin sana iyun ni Neil ng bigla siayng pinandilatan ng dalaga.

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon