Chapter 4

5.6K 141 1
                                    

THE HANDSOME ASUNGOT

written by: Jinky Tomas

Kanina pa gustong agawin ni Lane ang tasa ng kape ni Neil para ibuhos ito sa sobrang sama ng loob niya sa binata.Kahit kailangan ang anak ni Adan na ito ay walang ibang ginawa kundi bumakuran sa kanya.Aali-aligid.

Asungot!Asungot!That nerve!

"Hi,Lane! Gising ka na pala.Halika,join me!" Muling lumitaw ang magaganda nitong ngti na lalong dumagdag saq kagandahan ng umaga.

'Feel na feel tumira sa bahay!' Bulong nito.

Sumimangot ang dalaga. Gusto na sana niya itong bulyawan pero naalala niya ang kanyang pangako sa sarili.Paghihiganti. Ngayon pa lamang ay kailangan na niyang umpisahan ang binabalak niyang evilness in her alluring tricks.

"Ipagtimpla mo ako ng kape," malamig na tono ng dalaga at maingay na hinila ang silyang kaharap ng binata.

"Magtimpla ka," biglang nagseryoso ang tono ng binata.

"What?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "You're inviting me!"

"Hindi mo aq yaya!"

"Bwisit." Mahinang pagsambit nito sa kaharap.

"I heard that." Turan ni Neil.

'Konting pakikisama lang.Lane.' Bulong ng dalaga sa kanyang isipan.Wew! Imbiyernang lalakeng to. Anong malay niya sa pagtitimpla ng kape? Padabog na kumuha ang dalaga ng 3-1 sa kabinet at maingay din ang kutsaritang ginamit niya sa paghahahalo nito.

Hindi maiwasan ng binata ang pagguhit ng nngiti sa mga labi nito. Nasaksihan niya kung paano umasta si Lane and he found it cute! Well,kailan ba ngkaroon turn-off sa kanya ang dalaga? Kung tutuusin kahit ang mga bulyaw nito sa kanya o pagdabog ay walang mararamdaman ang binata na pagkadismaya. Ganun naman daw ang talaga ang nagmamamhal. Kahit anu pang nakikita mong kahinaan ng isang tao,mahal mo pa rin. Kahit pa siguro walang ibang ginawa ang dalaga kundi tagasaway sa mga nararapat nitong gawin. Mahal pa rin niya si Lane. And he can do every possible way to let Lane be a better one.

Napansin niyang kanina pa hawak ni Lane ang mug ng tinimpla nitong mainit na likido at nakatayo pa rin ito. Nakasimangot pa rin at manaka-naka ay nilalaro ang sandalyas nito. Minsan iniikot ikot ang sakong. Muling sumilaw aqng ngiti sa labi ng binata. Iyun kasi ang pinakagigiliwan niyang isa sa kanya. Nakagawian na ng dalaga na palaging my extra mannerisms ito tuwing may ginangawa siya.

May mga sandaling kapag kumakain na ito,hawak ng isang kamay at kutsara habang parang ahas naman ang isa pa nitong pakad na nakapulupot sa kanyang juice glass. Kahit nga pakikipag-usap lamang sa selpon,hindi mapakali ang dalaga. Naglalakad hanggang minsan may hawak itong dahon o bulaklak na nakasalubong niya sa kanyang paglalakad lakad habang nagdadaldal ito.

"Umupo ka na,dito. Hindi kita bubuhatin pabalik sa upuan."

Muntik napasigaw ang dalaga ng biglang narinig niyang nagsalita sa Neil. Hindi man lang niya namanlayan na nakalapit na pala ito sa kanyang kinatatayuan at halos ilang dangkal lang ang pagitan nila.

Saan nga ba dumalaw ang kanyang isipan at bigla na lamang tumigil ang mundo niya? Sinubukan niyang humigop ng kape, Wala na ring lamig iyun kumpara sa init nito kanina. Namula tuloy ang dalaga at bigla yatang na comatose siya ng ilang minuto?

"At sinong nagsabing gusto ko namang nagpakarga sau?" Paasik ng dalaga sabay upo.

"Kahit pa siguro magmakaawa kang kargahin kita,Miss. I will never will."

Tumaas ang kilay ng dalaga. At kung anong dilat ng mata niya kanina ay siya namang biglang pagliit nito.

Nagulat si Lane ng biglang bumulong ang binata sa kanyang tagiliran. "Siguradong mabigat ka kasi. Hindi ko ugaling magbuhat ng babaeng parang isang sakong kamote ang kilo!"

"Bastos! Ang kapal mng mukha mo! I am not that fat!"

Hindi siya pinansin ng binata at sumipol sipol lang ito habang hindi pa umaalis sa tabi ng dalagang nakaupo at naka de-kuwatro.

"Why not just admit you are lampa?" Painsulto ng dalaga,

Hindi siya pinansin ng binata na nagdulot ng lalong pagkainis nito.

"Ano bang ginagawa mo sa tabi ko? Nasa sarili akong pamamahay at hindi ko kailangan ng magtatanggol sa akin? Type mo ba ako at hindi ka makaalis alis?" Hindi na nabawi ng dalaga ang huli nitong nasabi dahil nabitawan na niya. Bigla siyang napahiya sa tinuran nito perop hindi niya ipapahalata sa binata,

"HIndi kita type. At isa pa, you're sitting sa upuan ko." May naglalarong ngiti sa mga labi nito.

'Shit!' Hindi naiwasan ng dalaga ang pagmura. Bakit hindi man lang niya napansin ang kaharap nitong ang tasa ng kape kanina ni Neil? At ang yabang pa niyang nagtanong kung type ba siya ng binata. Ang araw nga naman niya,wala ng ibang ginawa kundi magdulot ng kamalasan at early time.

Gusto pa lamang tumayo ng dalaga para ibalik ang upuan ng ungas na ito pero naunahan na siya ni Neil. Nagpaalam ito sa kanya dahil gusto niyang lumabas pansamantala. Wala siyang pasok at kagabi ay nasabi na niya sa kanyang papa na gusto niyang mag stray ng bahay para gawin ang kanyang book report.

"Saan ka naman pala lalakad?" Hindi ipinahalata ni Lane ang curiosity nito sa pupuntahan niya.

HIndi rin niya maintidahan ang sarili dahil bigla na lamang niyang tinanong yun. Ano nga ba ang pakialam niya sa kanyang asungot. Eh kahit nga magpatiwakal sa laot o magtampisaw sa ilog magdamag!

'Weeeehh, hindi nga?' Lalong nadagdagan ang inis ng dalaga dahil palaging kontrabida ang isang bahagi ng kanyang utak.

"Date with Jean." Masiglang sagot ng binata at hindi man lang niya nagawang magpaalam ng maayos sa dalaga.

Naiwang nakausli ang labi nito. Jean! Ang babaeng ipinaglihi sa bulok na prutas! at siya naman,affected? 'Tse! Stop that Lane.They are soulmates--they are nobody! 

MY HANDSOME ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon