MY HANDSOME ASUNGOT
written by: Jinky Tomas
Umupo siya sa damuhan. Hinawakan ang lapida kung nasaan nakaukit ang pangalan ni Neil. Inalis niya ang mga natuyo ng bulaklak. Sa kanya lahat galing iyun. Tumambad sa kanyang harapan ang larawan nila ng binata na nasa gilid ng lapida. Kuha nila iyun sa beach. Nakayakap siya sa binata. Inilagay niya iyun noong last na dalaw niya sa binata.
Ipinabakbak niya ang kanang gilid ng lapida at doon inilagay ang laminated picture nila. Naka wood laminate iyun at built-in sa lapida. Kahit umulan hindi iyun masisira.
Hinaplos haplos niya ang larawan nilang dalawa. And she even printed in the bottom of the picture…’till after death, do us part.’
Nakatingin lang sa kanya ang kasama. Walang pagsidlan ang kanyang katuwaan habang napapakinggan ang mga salita ng dalaga sa computer nito. Gusto niyang sugurin ng yakap ito at ipagtapat ang lahat. Pero mapanganib ito para kay Lane. Kailangang matapos muna ang lahat.
“Neil, I love you! Do you hear me! Sabi ko maha kita. Bakit mo ako iniwan diba mahal mo ako! Damn it! Hirap na hirap na ako. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala ka na.”
“I always love you Neil. Sana nalaman ko ito agad. Kahit pa siguro ilang taon pa ang lumipas…ikaw lang ang mamahalin ko. Neil I miss you so much, sana buhay ka pa. Kahit galit ka at maniwalang niloko kita, ang mahalaga buhay ka.”
“Pakiramdam ko patay na rin ako when you left. Sana Neil, kahit nasaan ka ngayon maramdaman mong mahal kita. Sana mapatawad mo ako. Huwag mo na akong pahirapan ng ganito, utang na loob.”
“Neil…!” sigaw ng dalaga at humagulhol ito. Umiyak ng umiyak. Hindi na kayang pigilan si Neil ang nakikitang ayos ni Lane. Lahat ng huinanakit niya para dito ay naglahong lahat dahil sa mga sinabi ng dalaga. Mahal din niya ito. Nararmdaman niya iyun. hindi lamang nagkukunwari ang dalaga.
Kaya pala pati ang kanyang magulang ay malapit na rin ang dalaga. Bigla siyang nakunsensiya dahil agad niyang hinusgahan ang dalaga. Hindi naman niya talaga balak magtagal sa kanyang pag-alis. Gusto lamang niyang magpalipas ng sama ng loob. At kung magaan na ang kanyang pakiramdam ay kakausapin niya ng maayos si Lane at magpapaalam na dito.
Pero ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin kayang paghilumin iyun ng kanyang sugat. Nananatili ang hinanakit niya sa dalaga. Ng handa siyang magpakita ulit sa kanya ay nagkaroon ng emergency meeting ng kanilang ahensiya. Nagsimula ang malawakang operasyon. Kailangan niyang magtago sa katauhan ni Lester. Malapit ng matapos ang huli niyang hawak na kaso. Masyadong delikado at nakataya muli ang kanyang buhay. Pero pipilitin niyang ligtas siya sa anumang kapahamakan dahil sa pagmamahal ni Lane sa kanya.
“L-Lane, umuwi na tayo.” Tumabi siya sa dalaga.
Pero hindi ito sumagot. Ng tinawag niya ulit ang kanyang pangalan ay mabilis itong yumakap sa kanya at sa kanyang mga balikat ito umiyak ng umiyak. Walang ibang ginawa ang binata kundi haplusin ang buhok nito. Naramdaman niyang lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Lane habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Naibsan ang kanyang kasabikan dito dahil sa mahigpit na pagkakayakap ni Lane sa kanya.
“Ang sama ko Lester, sinaktan ko siya. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Neil. Hirap na hirap talaga ako.”
“Tahan na Lane. Magiging masaya ka rin. Halika na, umuwi na tayo.”
Inalalayan siya ng binata sa pagtayo. Nagpasalamat si Lane sa pagsama ni Lester sa kanya. tinanong pa ni Lane kung pinagtatawanan ba siya sa kanyang nakita. Umiling si Lester at tumingin ito sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti rin ang mga seryosong mata ni Lester.

BINABASA MO ANG
MY HANDSOME ASUNGOT
RomanceItinalaga siyang magbantay sa nag-iisa at malditang anak ng mga Assistin.Gustong tanggihan ito ng binata dahil simula pa man ay hindi na sila magkadundong dalawa.Dahil isang malalim na dahilan. Dahil kay Neil,nawala ang unang pag-ibig ni Lane,dahil...