1: I AM MITCHIE

112 4 0
                                    

Dahan-dahan akong nagtago sa isang malaking puno upang makita ang nangyayari. Pagsilip ko, limang lalaki ang may hawak sa isang duguang lalaki at mukhang hinang-hina na ito sa labis na pagkabugbog.

"Masarap ba Valdez?" isang matandang lalaki ang dumating. Mukha syang mayaman, sya siguro ang boss ng mga goons.

"Walang hiya ka! Pakawalan mo ako dito wala akong kasalanan sayo!" sabi ng duguang lalaki.

Ano'ng gagawin ko? What to do?! what to do?!

"Tumahimik ka! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko!" then biglang naglabas ang matanda ng baril, tinutok sa lalaki then pulled the trigger without any hesitations.

OMG. Yung kawawang lalaki bumagsak, umaagas yung dugo. Walang patid. Patay na ba sya? Nabigla ako ng biglang tumingin sakin ung lalaking binaril at biglang ngumiti na para bang ibig sabihin nya ay 'alam ko matutulungan mo ko.' After nun ay nakita ako nung boss matanda. Holy cow!

"Sino ka? Pagsisisihan mo at nasaksihan mo ang lahat ng to!" sabay tutok ng baril sakin then....

Shine bright like a diamond..

Shine bright like a diamond..

Ah? Ano yun? O.O

Find light in a beautiful sea

I choose to be happy

you and I

you and I

we're like diamonds in the sky

I opened my eyes..

*blink*

*blink*

"Bwisit panaginip lang pala!" sigaw ko. Oo panaginip yun at hanggang ngayon ang lakas parin ng tibok ng puso ko.

You're a shooting star I see

A vision of ecstacy

When you hold me I'm alive

We're like diamonds in the sky

"Shemay may tumatawag pala!" I hurriedly grabbed my phone then answer it without looking at the screen.

"Hello?"mataray kong sagot. Ang aga manggising eh!

"Girl bat ang tagal mo sagutin yung tawag ko?" si Lyka lang pala. Best friend ko. >__<

"Lyka malamang tulog pa ako kanina diba? Isip isip din pag may time." sarkastiko kong tugon

"Are you nuts? 7:00 am na kaya! First day natin to sa Heart University!" first day? teka.. O____O!!!!!

"Bakit di mo agad sinabi Lyka! Kaasar ka naman eh." Ako pa may ganang magalit.

"Wow nahiya naman ako sayo Mitchie Villareal. Ohsya bilisan mo na lang 8 am pa nman ung klase. Kita na lang tayo sa gate." ang bait talaga ni bestie ko!

"Kfinetnxbye" maikli kong sagot then I ended the call.

Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo. Konting wisik lang tapos na. Chos! Syempre nag ayos ako ng bongga. First day eh. Hahanap kame ng boys. Hihi

"Good morning ate Vi!" pagkababa ko yan agad ang bati ko. Si ate Vilma ang may ari ng inuupahan kong apartment. Oo nagrerent lang ako. Bakit? Long story..

"Good morning din Mitchie. Ang ganda mo ngayon ah?" sagot nya.

"Ngayon lang po? Araw-arawin nyo na Ate Vi haha" Talking about makapal? That's me.

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon