Spookify #1

1.5K 7 0
                                    

Tiktik

Bata pa lang ako nung maranasan ko ito, sadyang hindi talaga ako naniniwala sa mga haka haka or kwento lamang.
Way back 2006, sa Caloocan kame nakatira at tatlo kameng magkakapatid (Ako lang ang nagiisang Lalake maliban sa aking ama sa aming pamilya) may maliit kameng Sari-sari store that time , at nung mga panahong iyon ay nagdadalang tao ang Aking ina (Babae rin, bali bunso namen siya ) maaga pa lamang ay may maliit na pagsasalo sa aming lugar (Fiesta yata yun, or birthday lang ng kapitbahay) tulad ng inaasahan, andiyan ang kasiyahan.
'11 pm na ng gabe, sa labas ng aming bahay ( Mga ala una kasi kame nag sasarado at kapag ganung oras sa amin medyo marami pa ang tao) tulad ng nakagisnan, nasa labas kameng dalawa ni mama (Buntis siya ) kasama ang dalawa niyang kumare ( Which is mga buntis den) nagkwekwentuhan sila ng mga sandaling yun, di ko na medyo matandaan kung ano ang pinaguusapan nila (Expected na duon yung mga utang, yung may mga utang etc. Ganyan kasi yung mga Mahal nating ina hakhak) habang ako nung mga oras na yun ay naglalaro ng magnet, ng biglang may pumukaw sa aking paningin ( May katapat kameng bahay at medyo malaki ito)
Napalingon ako sa aking kanan, dahil may nahulog na itim at medyong malaking balahibo ( Hindi ko alam kung sa ibon or manok) . Ang pinagtataka ko lamang bakit may balahibo ng ibon sa oras na yun, dahil sa aking paglilibang sa nilalaro ko. Hindi ko ito pinansin bagama't nagpatuloy pa rin ako. Makalipas ang ilang minuto, si mama, mga kumare niya, at si Ako ay nakaramdam ng napadaan na hangin ngunit ito ay galing sa itaas at papuntang baba ( may ganung normal n hangin ba? ) at dahil sa busy sila mama sa mga chismis nila, hindi nila ito binigyang pansin. Tila ako lang ang tumingala sa itaas at nagtaka. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo paitaas, at nagulat ako sa aking nakita. Isang malaking ibon ang kakadapo lamang sa bubong ng aming kapitbahay ( Yung medyo malaking bahay sa tapat namen) At dahil sa dala ng pagkabata imbes na matakot ay namangha ako, hindi ako nakapagsalita sa nakita ko ( Kulay na itim ang nilalang na iyon, at hindi dahil gabk kaya ko nasabeng itim ibang iba kasi ang pagka-itim niya kaysa sa langit na nasa itaas niya) Ilang segundo rin ang titigan nameng dalawa sa aking palagay, mga sampung segundo din iyon at iba ang kanyang mga mata parang mata ng taong nagulat? Ibon siya pero may matang Tao? Wtf! At dahil malaking ibon siya sa gabing iyon, ako'y napa "Wow! Ang laki ng ibon na yun MA oh? Itinaas ko ang aking hintuturo sa bubong ng aming kapitbahay ( Which is na katapat lang ng aming baha) Sila mama at ang mga ibang kasama namen ay nagsi tinginan, at dahil malakas ang aking pagbigkas napatingin din ang mga tambay na kalugar namen. Subalit sa aking pagmungkahi ay siya rin niyang biglang paglipad papalayo sa bubong ng kanyang dinapuan. Kaya hindi ito nakita ng aking ina at ng mga kasama nameng nakatambay sa labas, subalit kinilabutan sila sa malakas na hangin na dumapo sa aming mga balat as in mas malakas sa normal na hangin ng gabing iyon. "Ano yung nakita mo nak? " - tugon ng aking ina. 
"Isa pong malaking itim na ibon Ma parang kasing laki ng isang kotse ! " - sagot ko sa tanong niya. Nagtinginan sila mama ng hindi normal, bakas sa kanilang mukha ang pagkatakot. "Isang ibon sa ganitong oras? " - Sambit ng isang tambay na kasama rin namen. Halos lahat sila alam na kung ano ang nilalang na iyon kaya naman biglang pumasok ang aking ina sa tindahan namen, at kumuha ng tatlong bawang na malalaki, at ibinigay ito sa dalawang buntis na kumari niya ( dahil iskinita ang daraanan nilang dalawa) at sabay sabing "Dikdikin niyo yan habang naglalakad kayong dalawa pauwe, maganda na yung naniniguro "at nung gabing iyon sa paguwe ng mga tao kasabay ng aming pagpasok sa loob kiniwento saken lahat ni mama at papa kung ano ang aking nakita ng sandaling iyon.
Buti na lang walang masamang nangyare sa amin nun pati na din sa dalawang kumari ni mama, at pagkaumaga paggising ko ay andun nanaman sila, ang chismis naman nila ang TikTik ng gabing iyon. 
Ps: May pangalawa
nanaman akong nakita dito
sa tinitirahan namen ngayon sa Valenzuela
pero mas mas malala ang nangyare...

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon