Spookify#4

581 6 0
                                    

"Go go"

🎶Yolo yolo yolo yo🎶

Nagpapatugtog ako noon ng go ng bts gamit yung earphones. At habang nagpapatugtog ako, nag-iistalk pa ako sa kanila, nagbabasa ng mga memes, at kung ano-ano pang tungkol sa kanila. Ako lang mag-isa sa bahay since si Mommy ay nagtatrabaho sa Shangri La then si Dad ay sa isang manager sa isang sikat na bakeshop sa SM. Yung nag-iisa ko namang kapatid ay nasa school pa dahil panghapon sya. 6:30 pa yung uwian nila.

Since ako lang naman yung nasa bahay, at busy naman akong nakikinig ng go ng bts at nagsusurf sa net, sinara ko yung pinto, pinatay yung tv, at pinatay yung ilaw dahil na rin sa ayaw ko ng maliwanag.

Umakyat na uli ako sa bunk bed namin. Dahil mahina yung net, lumapit ako sa bintana dahil na nga rin sa kulob yung kwarto. Yung bintana ay nasa paanan ng higaan, so yung paa ko ay nasa ulunan kung nasaan din yung hagdanan.

Habang nagnenet ako ay biglang bumukas yung kitchen. Kita ko yun dahil yung labas ng bintana ay kitchen namin, at nasa labas sin yung kitchen namin. Tinignan ko kung may bumaba(may 2nd floor kasi kami) o kaya naman umakyat. Pero wala. Maya-maya ay may kumatok ng tatlong beses. Naalala ko yung sinabi ng mom ko na wag daw bubuksan kapag tatlo lang yung katok. Sinilip ko yung kitchen kung may tao pero wala. That time, kinabahan na ako. Parang bigla akong nagkaroon ng sunburn na sobrang hapdi. Imbis na sumigaw ay idiniin ko pa yung earphones ko sa tenga at mas nilakasan yung tugtog. Nakarepeat yung kantang go go dahil nacu-cutan sa kanta tsaka dun sa steps. Pero kahit na anong lakas ng kanta ay mas malakas yung tunog nung katok nung nasa pinto. 3 knocks at a time yung katok, at mas pabigat ng pabigat bawat katok. Sa takot ko, nagtalukbong nalang ako.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng malamig sa parteng binti ko. Sa di malamang dahilan, at nawala ang oagkakatalukbong ko dahil sa may humila nito. Sa sobrang takot ay napasigaw ako. Sigaw na hindi ko pa nagagawa sa talambuhay ko. Maya-maya ay iba na ang hinila nito. Hindi lang yung kumot kundi yung mismong binti ko na. Sa takot ko ay dali-dali aking bumaba. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansing may pako pala yung hawakan ng hagdanan kaya nasabit yung singsing ko dun sa pako. Hopefully, napigtas lang yung singsing at hindi yung kamay ko. Pero that time, wala akong pake kung anong nangyari sa kamay ko. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang isang matandang babaeng may maigsi ngunit kulot na buhok na nakatayo sa pinto. Nakasuot sya ng lumang damit. Saya ata tawag dun o kimona, ewan! Sa shock ko ay isinara ko ng pabagsak yung pinto. Pagkatapos nun ay nagdilim yung paningin ko. Alam kong nagdilim dahil bukas nga yung ilaw sa kusina.

Pagkamulat ko ng mata ay nakahiga na ako sa higaan. May bimpong malamig yung noo ko. Sinabi ng mommy ko na nakita nya daw akong nakabulagta sa loob ng kwarto. Tinignan ko yung relo ko at mag aalas diyes na din pala. Halos apat na oras aking walang malay. Pagkatapos nun ay nagkaroon ako ng lagnat.

Sana huli na yun.

~Arsenic
~Kilala ako ng arsenic. Kase arsenic din ako.
~8Arsenic

Sinend ko na din ito sa spookify, sana ma-notice nila huehue. Trip ko lang ding isend dito HAHAHA

HAPPY TEACHERS DAY EVERYONEEEEE

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon