Katok
Heyo, Good Evening fellas! I'm one of the readers here in Spookify. Um.. It's my first time posting this kind of not so creepy experience to some people but I found it scary before. I ain't scared of that anymore. Bago ako magsimula, bigyan ko muna kayo ng background tungkol sa kung anong klase bako na tao. Ako nga pala yung tipo ng tao na hindi agad-agad natatakot sa certain things such as paranormal o supernatural activities, kase di pa naman talaga ko nakakaexperience pati mataas din faith ko kay God. Welp, I gotta start now.
This experience happened months after the New Year of 2017, maybe it's on last April. Recent lang sya nangyari. Dahil nga simula na ng bakasyon, simula narin ng puyatan gaming ko. Nagpupuyat ako dahil sa pagchachat ko sa Amino app (kung may gumagamit din nun dito, hello sa inyo), tas iyon nga, mga inaabot ako ng 12-4 ng umaga sa pagpupuyat (tatag no, haha la pang tulog tanghali). Bago pa man magsimula yung bakasyon, ako ay naatasan na ng aking nanay na ako palagi maghuhugas ng plato pag gabi, edi ako naman si tamad, mga alauna o kaya alasdose nako nakakapaghugas ng plato. Ay eto nga pala, malapit lang lababo namin sa back door namin sa kusina, nasa 3 o'clock yung direction ng back door namin kaya pag binuksan kita mo yung labas pati nasa gilid lang ng vision mo, tsaka wahing machine pati konting space lang pagitan. Nung naghuhugas nako sarado na yung back door namin. Dahil nga gabi, kahit mga mahihinang sounds ay maririnig mo. Nung nakapatay na yung gripo habang sinasabunan ko yung mga plato, may isang mahinang katok ang pumukaw sa aking pansin, edi ako naman, napatingin sa back door namin. Di ko nalang pinansin at baka aso lang, pinagpatuloy ko na maghugas, nagdasal at tulog pagkatapos.
April 18, 2017, edi puyat nanaman, mga 10:40 siguro na nun, dating gawi, maghuhugas uli ako ng plato nun pagkatapos magbrb sa mga kachat sa Amino😂😝, edi ayan habang naghuhugas na naman, may kumatok uli, isa lang , edi akong si di pa naman masyadong takot, wala lang, mga nasa kalagitnaan nako ng paghuhugas, may kumatok uli, edi akong si tapang tapangan, binuksan ko gamit yung gunting, (sira kasi pinto namin nun, gunting yung susi 😂) edi pagbukas ko, wala naman, wala naman din yung aso, tas nun, sinara ko na uli pinto pati nilock. Pagkatapos ko maghugas, may kumatok uli na isa, di ko nalang pinansin at bumalik sa pagAamino. Di pa nagtatapos, maraming nangyari nung araw na yun, 1:05 am na siguro nun, iinom ako sa gripo dun sa lababo pagkatapos ko uminom gamit baso, may kumatok uli, natakot nako, as in may chill sa katawan sagad buto, well, walang makakapigil sakin mag Amino kaya patuloy parin. Mga alas tres na, nagfacebook ako saglit bago matulog, nilike ko post ni Lucia, tas maya maya, may tumawag sakin sa messenger, hahahaha, tawang tawa ako, si Lucia Joaquin, eh kaso di ko nasagot naka Facebook Lite ako nun kase puno na storage ko kaya binura ko data ng messenger, 😪 sayang dalawang tawag pa naman yun. Sorry Lucia hahah. 😄✌ Tapos nun, nagdasal ako at natulog nako.
~×Alam ko mga oras kase tinweet ko rin pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari😂,sa mga may tanong dyan na bat ngayon ko lang uli to naranasan, palitan kase yun eh, pag di nakapaghugas sa time nayun, ikaw muna, tas sya naman sa time mo, para walang lamangan 😂 pati ako lang naghuhugas ng madaling araw samin bruh, oo nga pala, bago din nun nagburst yung story ni Lucia Joaquin. Yung mga time ko sa twitter minus ten sa minuto dun,kase agad agad ko tinitweet agad eh. 😂×~
Sa dami rami na ng nababasa ko sa spookify, nikilabutan nako maghugas ng plato sa madaling araw. Well, dahil busy-busihan parin, hahaha walang makakapigil sakin, miski anong nilalang man yang kumakatok sa pinto, kesa naman mabugbog pako sa umaga dahil di nahugasan, matakot ka sa magulang mo, di sa multo. April 23, 1:08 nun ng umaga, naghuhugas ako, nakakarinig uli ako, at dahil narin sa pagkakabasa sa mga stories ng spookify, nikilabutan narin ako, welp, nagimprove sya, dumami yung katok mga more than 5, di ko na nabilang sa takot ko, nasa kalagitnaan ako nun ng paghuhugas ko, kahit nangangatog na tuhod ko, buong tapang kong binuksan yung pinto gamit yung kutsilyo naman, welp, akala ko aso, wala naman, at dun nako kinabahan, sa sobrang kaba, nginitian ko nalang yung labas ng pinto na puro kadiliman ang makikita, ewan ko ba, parang timang ako nun, tas nun ay sinarado ko na pinto at ngumiti ngiti nalang na parang baliw dahil ayokong takutin sarili ko. Di pako tapos maghugas nun, at may narinig uli akong katok, nagulat ako at pinuntahan ko yung kwarto ng ate ko pero tulog na, lintik, dahan dahan ako bumalik sa kusina at habang naglalakad, nagdadasal na patigilin na yon. Dali dali kong tinapos yung mga hugasin, wala nakong katok na narinig pero yung takot ko andun parin.Hindi na nga ako nakapagtoothbrush baka makita ko pa sa salamin, at di narin ako nakapaghilamos dahil nasa isip ko na sa pagmulat ko magpakita yung kung ano man yun. Medyo naging kalmado yung nararamdaman ko, at di parin nakuntento, nagdownload pako ng laro, The World of Magic. Haha (Hello sa mga naglalaro din nito) Pagkatapos nun ay nagdasal ako bago matulog at pinagpasyahang ipagpabukas (ipagpaumaga pala) na yung paglalaro.
Hapon nung April 23, I've seen a reply from a close friend of mine, and it states ""nagpapasok ka ng masamang espiritu*. Edi ako naman, nikilabutan ako mga bruh, natakot ako bigla. Nagtanong tanong ako sa kanya kung bat bawal buksan, tas sabi sabi lang daw yun pero mas mabuti narin siguro kung sundin ko, wala namang mawawala eh. Tas yun na nga, pagkatapos masabi yun, di nako naghugas ng madaling araw.
Kanina lang to nangyari, May 6, inatake na naman ako ng katamaran, inabot na naman ng 2:02 ng umaga. May kakaiba kaninang umaga, hahaha, bangag ako, di ako nakaramdam ng takot habang naghuhugas ako ng plato, kahit na patuloy yung pagkatok, may mga pagitan naman yung mga katok. Pagkatapos ko maghugas ay, pumunta ako sa kwarto ng ate ko para tignan kung merong tao sa labas ng pinto, wala naman (nakapwesto kasi yung kwarto nya na kita yung labas ng back door) di ko nalang pinansin at naglaro nalang, pagkatapos nun ay nagdasal ako at natulog na.
Dito na nagtatapos ang aking unang mga naging karanasan na tila di maipaliwanag ng aking munting isipan. Sana'y kayo'y nasiyahan. At nawa'y humingi ng gabay sa inyong pupuntahan. Humingi rin ng kapatawaran. Sa Diyos ay makakakuha ng kaligayahan.
Welp, sana po ay nagustuhan nyo, maraming salamat sa pagbabasa kahit medyo boring. Maraming salamat din sa Spookify sa paguupload nito kung maupload man. Sino po kayang pwedeng makapagsuggest kung ano yung naeexperience ko? Salamat po! Sa mga nakakakilala sakin, shhhh lang kayo! HihihiObb Hyuga
Region III
Bataan

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...