Imaginary Friend?
Hello Spookifiers! Magiisang taon pa lamang akong nagbabasa dito at talaga namang kagaganda ng stories na pinopost ng mga admins :)
Simulan na natin ang kwento...Meron akong baby brother, itago nalang natin sa pangalang ""Makoy"".
Si Makoy ay 1 taon at 9 na buwan pa lamang noong nangyari ito. Bakasyon noon at dalawa lang kami sa bahay dahil namalengke si mama at si kuya naman ay nakipag-date 😂Nasa kusina ako at naghuhugas ng mga chupon ng kapatid ko habang natutulog sya sa duyan.
Patapos na akong maghugas nun at papakuloan na sana yung mga chupon nya nang bigla syang umiyak.
Yung tipong iyak na kinurot? Yung nasaktan ba. Ganun yung iyak nya.Sobrang kaba ko nun kasi akala ko nahulog sya sa duyan pero hindi pala.
Binuhat ko sya at inalo.
Habang buhat ko sya, may tinuturo sya sa taas (kisame) tapos bigla na naman hahagulgol.Kaya inilabas ko sya ng bahay. Um-okay naman. Nang mukhang nakalimutan na nya yun, tinanong ko sya kung ano iniiyakan nya kanina.
Sagot nya, ""kuya po. doon taas""
May nakita daw syang kuya sa taas.Sa takot ko nun, hinintay na lang namin makauwi si mama bago kami pumasok 😂
Second, malaki na sya.
2 years old mahigit na sya nun at diretso na magsalita.Tuwing kami lang dalawa sa bahay, hinahayaan ko lang syang naglalaro sa sala bahay basta hagip parin sya ng paningin ko.
Habang naglalaro sya ng mga abubot nya, tumitingala sya tapos biglang tatawa. Eh kami lang ulit dalawa nun dahil nasa tindahan si mama.
Tinanong ko kung bakit sya tumawa.
Sagot nya, ""uhm, kuya :) "" tapos tinuro pa nya sa harap nya eh WALA NAMAN AKONG NAKIKITA!Napa-sign of the cross ako nun sabay buhat sa kapatid ko at lumabas agad kami ng bahay.
Kwinento ko kay mama, sabi nya lang, ""Bata yan kaya kung ano ano pa nakikita"" (Totoo ba yun?)
So, hinayaan ko na lang ulit.Nung pangatlo na, magkakatabi kaming lahat sa kama nun habang kausap si papa na nasa ibang bansa.
Biglang sabi nung kapatid ko na, ""Kuyaaaaa"" yung tuwang tuwa. Tapos nakatingin sya sa paanan namin.
Kinilabutan kaming lahat nun. Kasi si kuya, katabi ko nun at wala sya sa paanan namin. So sino yun?
After nun, lagi na nyang sinasabi na ""lalaro lang kami ni kuya"" o di kaya ay, ""si kuya oh"" kahit wala naman si big bro namin.
Ito pa, tandang tanda ko. April 14, 2017. Alay lakad dito saamin sa Manaoag, Pangasinan.
Makikialay-lakad yung gf ng kuya ko kaya alas nuwebe ng gabi ay nandito na sya (gabi ginaganap yung alay lakad hanggang umaga)Nakatambay pa sila nun sa labas, may lumang rocking chair malapit sa gate.
That time, tulog na kapatid ko nun at wala ng ibang bata saamin kundi kapatid ko lang.May nakita daw si ate na batang nakatayo sa gilid ng rocking chair na yun.
Sabi nya daw kay kuya, ""be yung kapatid nyo bat nandun malapit sa gate, gabi na ah.""
Nagtaka kuya ko kasi alam nyang tulog na kapatid namin nun. Hinayaan na lang at lumarga na sila katapos nun.
Kinaumagahan, kwinento ni kuya yun kila nanay. Sabi ni kuya, multo daw yun kasi wala naman syang nakitang bata nung time na yun.
Edi kwinento ko na din yung mga ""nakikita"" at ""nakakalaro""Sabi ni nanay na maginsenso daw kami tuwing 6 pm sa buong bahay hanggang bakuran.
At yung bata daw na yun ay baka yung nalaglag daw na anak ng tita ko.
Hindi pinalaglag ha. NALAGLAG. Aksidenteng nalaglag. 2 months pa lang yung baby nun. Sa tantiya namin ay kaedad sya ng little bro namin.So, ayun lang po. Pasensya kung magulo. Sana naenjoy nyo parin po 😘
Izang
Manaoag

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...