Sleep Paralysis o Astral Projection?
Isa akong Call Center Agent at karamihan o halos lahat ng BPO companies ay may tinatawag na Nap Room or Sleeping Quarters. Obviously gabi ang pasok ko, so umaga hanggang hapon ang tulog ko. At dahil sobrang init ng panahon, nahihirapan akong makatulog sa bahay, kaya pumapasok ako ng maaga para matulog sa Nap Room.
Mga 8pm ako pumasok sa nap room, at 9:30 ang pasok ko. Dun ako pumwesto sa pinakadulong bed para iwas istorbo at tutok sa aircon.
So ayun nga, ang himbing ng tulog ko, pero di ko maintindihan yung panaginip ko. Naranasan niyo na bang managinip sa loob ng panaginip? Yung akala mo nagising ka na, pero pag gising mo panaginip pa din pala. Sa panaginip ko, nananaginip ako na nagising ako bigla, pero di ako makabangon kasi may babaeng nakahawak sa leeg ko. Di ko makita yung mukha niya kasi natatakpan ng sobrang itim na buhok. Ang tangi ko lang nakikita ay ang malaki niyang ngisi. Di ako makagalaw, di ako makapagsalita. Parang naparalyze yung buong katawan ko, hanggang sa magising ako. Kala ko okay na lahat. Kasi nakatayo at nakabangon na ko. Pero laking takot ko, kasi pag bangon ko, nakikita ko yung sarili kong natutulog pa din. Paulit ulit. Kala ko gising na ko, pero kada tatayo ako nakikita ko pa din yung sarili kong natutulog. Hanggang sa nagising ako. Pag bangon ko, nagtaka ko bakit ang daming lalaki sa sleeping quarters, eh usually hiwalay ang babae sa lalaki. So ang ginawa ko ay nagpunta ko sa guard, sinabi ko na silipin yung sleeping quarters mg girls bakit ang daming lalaki. Sumama sakin yung guard. Pero laking gulat ko kasi pag pasok namin eh walang katao tao sa sleeping quarters, tanging katawan ko lang na may nakahawak na babae sa leeg. Tapos nagising ako, panaginip sa loob ng panaginip pa din. Pero di ako makagalaw kasi nakahawak pa din yung babae sa leeg ko. Di ko na alam gagawin ko. Di ko maipaliwanag. Gusto kong bumangon, gusto kong sumigaw pero di ako makagalaw. Nakangiti pa din siya sakin. Hanggang sa magising ako. Ito totoo ng nagising ako. Di na sa loob ng panaginip, gising na talaga ko. Pawis na pawis ako. Tiningnan ko buong nap room, wala naman pinagbago. Pag tingin ko sa cp ko, 8:15 palang. 15 minutes palang akong natutulog pero parang napakahaba ng tinulog ko. Parang pagod na pagod ako, pero antok na antok pa din. Sa sobrang takot ko e parang ayoko na matulog ulit. Kaya dali dali akong lumabas ng sleeping quarters at di na muling natulog dun.
PS. Kadalasan pag panaginip natin ay nakakalimutan natin diba? Pero lahat ng nangyari sakin ay malinaw kong natatandaan. Di ko alam kung nangyari ba talaga to sakin habang tulog ako o panaginip lang lahat.
Dee
Rizal

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...