Spookify #3

722 4 0
                                    

555 sardines

My name is Zi , isang napaka matakutin na nilalang . gusto ko lang mag share sa story ko na hanggang ngayon fresh na fresh parin sa utak ko. so for you to understand my story. i’ll share some info’s for all of you,
My kaibigan akong nag ngangalang rose. she is my childhood friend. beautiful , genius, soft hearted. don’t get me wrong. babae po tong sender nyo xD this story of mine has something to do with rose that’s why i am introducing her to all of you. She’s my childhood friend. kaya masasabi ko na kilala ko siya mula paa hanggang ulo. Itong si rose is napaka creepy minsan. tatahimik lang bigla. nang malaman ko kung bakit. nakaka kita pala siya. nung una daw. natatakot siya. pero nung tumagal di na daw niya pinapansin. di din naman daw nang aano.
so ito na sisimulan ko na.

November 27 2016 (naka move on na ako konti kaya share ko na to sa inyo.xD)

Sa araw na to nag away kami nang nanay ko kaya pina alis nya ako sa bahay. eh wala akong ibang mapupuntahan kondi sa kuya ko. Mabait kuya ko kaya alam kung tutulongan niya ako sa magipit kong sitwasyon. tawagin nalang natin siyang king. Nung una kong naisip kuya ko. medyo may doubts. kasi alam ko yung bahay na tinitirahan niya is hindi lang siya ang naka tira. mabuti sana kung tao eh. pero hindi. eh papano. wala na akong choice. kaya napa bahala na si batman.

ff
pumunta na nga ako sa kuya ko at panandali.ang nag papahinga ng mag ring yung phone ko. Si rose pala. nagtatanong kung nasan ako kaya sinabihan kung nasa kuya ko. mga ilang oras tumawag ulit siya. sabi niya nasa labas na daw siya kasama yung isang kaibigan namin na si shin  kaya lumabas na din agad ako.

pagka labas ko nag reklamo na si rose . sabi niya malamig daw pakiramdam niya. alam kung nakaka kita siya kaya di ko nalang inimbeta pumasok. dumating kuya ko galing sa tindahan. bitbit niya yung sardines at itlog.

ako: kuya kakain ka nanaman?
siya: gago. alam kong di kapa kumakain at alam ko na paborito mo to kaya eto.
ako: ang bait. nakaka kelabot po. AHHHA
rose: uyyy pakainin nyo din ako ah!
ako: sige hintay tayo dito sa labas. bahala na kuya ko mag luto sa luob.
rose: okay lang. pasok na tayo.

Yung mga oras na yun nag tataka na ako bakit parang wala lang yung reklamo niya kanina. pero di ko nalang pinansin kaya pumasok na ako kasama si shin.
pag pasok namin dumiretso na kami sa kwarto nang kuya ko. nag movie mara pero lumabas ako kasi tinutulongan ko kuya ko sa mga niluluto niya. sakto yung girlfriend nang  kuya ko na si langlang. dumating kaya pinasamahan ko sakanya sina shin at rose.

ff ulit

E-noff nang kuya ko yung ilaw sa kwarto niya para lumabos na sila . tigas nang mga ulo eh. di nakikinig haha. kaya lumabas agad si langlang at patakbong lumabas si shin. alam niya din pala yung story sa bahay ni kuya xD umupo na ako nang mapansin ko wala si rose.

ako: lang? si rose nasan?
siya: ay oo. pahiram ng cellphone mo.

binigay ko naman agad at nagtungo na siya sa kwarto ng kuya ko.

lang: hoy rose?
E-non niya yung flashlight sa direksyon ni rose kaya dali dali din naman siyang sinabihan ni rose na .
rose: off mo lang. off mo yang flashlight mo dali.
lang: gaga. bahala ka natatakot ako ang dilim kaya.
di na nag dadalawang isip si lang lang na tawagin ako kasi di daw siya kinikibo ni rose. eh ako nataranta at agad pinuntahan si rose. at inimbeta na lumabas . alam ko sa sarili ko na may kakaiba na. pero kahit takot na takot na ko basta’t mukha pa ni rose nakikita ko keri pa din.

Kumain na nga kami di din nalang ako nag tanong kay rose baka matakot sila eh. ako pa may kasalanan. so pagkatapos naming kumain nang hiram si rose sa cp ko tas nag selfie2 mag isa. nung una ayaw kung mag selfie siya. eh matigas ulo niya kaya hinayaan ko nalang. maya maya dumating yung asawa ng panganay namin kaya sila langlang ,shin at yung asawa ng panganay namin na si inday ay nag uusap at ako naman at si kuya king since kami lang talaga ang nag kaka-intindihan. sa tuwing nag uusap kami ng kuya ko nililingon ko talaga si rose since weird parin pakiramdam ko. nung una kung linggon sa kanya nginingiti.an lang nya ako. maka ilang linggon na ako at naka siguro na akong okay siya kaya di na ako nag bother na lumingon ulit at nag concentrate sa usapan namin na kuya ko na puro kagagohan. HAHAHA. maya maya niyan nag sigawan yung tatlo at nag takbuhan sa likod ko kaya napa tingin ako kay rose. namumula na yung mata nya. na mahahalata mong nanginginig na . naiwan. binitawan niya yung phone ko at agad ko namang kinuha at hi-nug siya, kasi alam kung may iba na. takot man ako pero kaibigan ko to kaya ewanan ko na si takot katulad nang ginawa ni ex xDDDD jowk poeeexxxzz xD

nung binuhat ko siya para lumabas nalang e  Nangisay bigla kami lahat parang na pako buong katawan namin. di ko alam kung anong gagawin. wala akong maisip.nung una akala ko may sakit siya o ano. oo ako na yung tangga. paraan ko yun para di matakot kahit alam kung iba na yun. agad agad naming binuhat ni kuya king si rose palabas. yung kuya ko na sa isip-isip niya palabas lang daw to ni rose para manakot kaya sinadya niyang saktan si rose para malaman. eh hindi nag react si rose kaya sabi niya “ totoo na nga to tangina!” gago niya din no? magkapatid kami eh.

Nung nasa labas na kami pagka lagay namin sakanya sa daan at pinahiga sa paa ko bigla siyang nag salita .

rose: wag.....ayaw ko nga.... ayaw kong sumama. ziii tulong....
tas nag iba boses niya.

dun alam na naming lahat na iba na nga kaya nagalit kuya ko .

kuya: utang na loob umalis na kayo jan. masyado kayong attention seeker mga puta,

sa awa nang diyos may traysikel na duma.an at tinulongan kami . ayaw ni shin sumakay kung wala ako . kaya imbes na sa motor nang kuya ako sasakay eh dun nalang sa traysikel. bali si rose naka higa sa katawan ko habang niyakap ko siya at nag pray. sa totoo lang yung prayer ko daig pa remix. yung hail mary tapos deretso our father to i believe in god. di ko na talaga alam. kung anong dapat e dasal . kung sinong makakarinig nun pagtatawanan talaga ako. nung nakarating kami sa harap nang bahay nila  nangisay ulit siya. pero this time. lalake boses niya na may halong babae?napa teka ilang kaluluwa ba ang pumasok? nalang ako.
agad kung tinawag mama at papa niya. dun na siya nilagyan na mga rosary holly water at iba pa. pero walang epekto sakanya. tumatawa na nasasaktan. sumisigaw. sinisigawan niya kuya niya, pero di ko parin siya binibitawan iyak na ako nang iyak nun di ko na talaga alam. lumapit si shin nang biglang sumigaw si rose.

rose: IKAW NGANUNG NAG HILAK HILAK MAN KA ANI NIYA NA IMO RAMAN NING LIBAK LIBAKON???!! MAS MAAYONG MAMATAY NI SIYA DIBA??!!! (ikaw bat ka umiiyak iyak jan? kung tutuosin kung ano ano lang ang pinagsasabi mo sakanya(libak). diba mas mabuti kung mamatay nalang siya???!)
ako: PISTI KA DI UY, KUNG UNSAY SALA NAMO AMO NATO WA KAY LABOT. ! (puta ka  hindi ganun. kung may kasalanan man kami sa kanya amin na yun. wala kang paki dun.)
Tinignan ako ni rose . oo ina amin ko ang sarap tumakbo pero di pwede. kailangan niya nang tulong. oa pero yun yung nasa isip ko.
siya: AHHAHAHHA IKAW!! IKAY AMAHAN SA AKONG ANAK! (ikaw! ikaw ang ama ng anak ko!) this time babae yung boses niya. nag tataka ako. anong ama? ulol babae din ako . pano naging ama? lahat ng tropa namin na naka saksi lumingon sila kay kuya king dahil para kaming kambal pero lalaki nga lang siya.  nakakatawa reaksyon nya grabi. pero wala naman talagang koneksyon yun. nang gagago lang.

maya maya bumalik na sa sarili si rose. yung itsura niya gulat na gulat. agad ko siyang nilapitan at tinanong.
Ako: rose??! ikaw na ba to?
siya: ha? sa itsura ko palang hindi ba halata? (lumingon lingon siya.)
siya: nga pala zi. bat ang daming tao ? nakakahiya.
ako: ah eh. kasi ...basta.
siya: *lumingon sa papa niya at mama niya* oh ma? pa? bat kayo umiiyak? pasok na tayo oi! nakakahiya.

agad siyang tumayo at pumasok sa bahay nila. may babae biglang lumapit sa papa ni rose.

ale: anak mo yun diba? sundan mo dali. nandun pa din yung kaluluwa naka sunod sakanya.

TO BE CONTINUED.. gusto ko sana one shot lang kaso nakakapagod.

Zi 
Cebu

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon