Spookify #2

922 5 0
                                    

Mga kwento ni tatay

Hi sa inyong lahat. Hobby ko magbasa dito e, ere ren kase pampatulog ko. So ere share ko na story. Pasensya na kayo hindi ako writter e. May nabasa din ako dito na taga San Jose Del Monte Bulacan naman. Kaya uso date mga aswang sa Bulacan. Sana magustuhan nyo. TIA

Bale real experience talaga re ni tatay. Mahilig kase kame talagang magkakapatid  magpakwento sakanya ng mga creepy experiences nya nung araw e. So ere na, taga Bulacan kame, ngayon konting(not really) area nalang ng Bulacan ngayon na madadama mo na nasa probinsya ka talaga, pero nung araw e probinsyang probinsya to.
So unang kwento nya samen e nung nasa Lumang bayan pa sila nakatira, binata pa sya non, malapit bahay nila sa ilog non, around 11pm na daw non, basta galing sya somewhere, e madilim pa non wala pang poste na may ilaw(madalang) tas habang naglalakad daw sya sa kailaliman ng gabi at sa kabilugan ng buwan e may narinig daw sya na malakas na pagaspas, tapos pagtingin nya sa taas may nakita siyang malaking paniki(manananggal) tapos sa likod nung malaking paniki e may mga nakasunod na maliliit na paniki. Tas ayon kaya naghadali syang umuwi non. Tapos kinabukasan non sa ilalim din ng gabe, yung magbabalot naman daw ang nakakita nung manananggal kaya karipas ito ng takbo at iniwanan na yung mga balot nyang tinda. Ikinuwento ng magbabalot kinabukasan sakanila.
Yung pangalawa naman, nanakawan kase yung kapitbahay nila non, tapos ang ginawa nilang magkakapatid(puro lalake sila) kasama yung kapitbahay nilang lalaki e inabangan daw nila noong gabi sa tabing ilog yung magnanakaw, nasa tabing ilog sila tapos nakatago, tas around 10pm daw(ganireng oras kase malalim na tulog ng mga tao nung araw), so habang nakatago sila may nakita silang puting puti na babae na patawid sa ilog, ayon kitang kita nila na lumulutang patawid sa ilog yung white lady. Tas ayon hindi na nila inulit abangan yung magnanakaw.
Tas eto pa, yung buntis daw yung nanay ni tatay bale si lola, e ayon uso tiktik non kaya may mga bolo silang nakahanda tapos bawang etc. Tapos halos hindi daw sila natutulog non, tas ayun na nga isang gabi narinig na nila yung ""tiktik"" ng malakas, pag ang ""tiktik"" malakas e malayo pa yon, habang papahina yan e ibig sabihen palapit na or nasa bubungan nyo na yung tiktik. So ayon, narinig na nila yung mga yapak ng tiktik sa bubungan nila, sabay labas sila ng lolo ko at kapatid pa nya tas may nakabantay kay lola, habang hawak hawak nila yung mga matatalim na bagay pinagmumura daw nila yung tiktik, ""P*&@*^% kilala ka namen bumaba ka rito papatayin ka namen! P*÷^#&@!"" Tas ayon umalis na daw yun, nairaos nila yun pero di sila nagpapakakampante. Kaya bantay sarado nila si lola.

Tas lastly sa naikwento nya samen, ahm eto around year 2000 something na, basta under construction pa yung bahay namen non pero dito na sa bahay kame nakatira non, so ayon yung tito ko kase non nalumpo tas pinaalbularyo siya at may nakitang may nakapasan sa kanyang malaking lalake(kapre ata) tas tumawag kame ng mangiinsenyo kasama yung albularyo, that time kasama ako sa nagiinsenso sa bahay ng tito ko, tapos si tatay non nasamen mag isa nag hahanda ng ulam, tapos habang nagiinsenso kame ayun na nga nabugaw yung engkanto sa bahay ng tito ko, pero lumipat sa bahay namen yung engkanto, then nakita sya ni tatay, kalmado lang sya, sabe nya daw ""hoy umalis ka dito at may nakatira dito"" tas ayon umalis nayung engkanto. May third eye din kase si tatay. Kaya parang hindi na sya natatakot sa mga ganon.

Ayon. Sobrang nakakatakot din kase dito sa Bulacan NOONG ARAW pa naman, pero ngayon hindi na gano uso mga aswang ngayon mga spirits manapa. Sana nagustuhan nyo kahit papano. Iihi ka paba? Hahahaha.

Chinito
Bulacan

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon