DR table
Hello po! Sana po mapost tong story na to. Nangyari to a month ago. Still fresh and gives me nightmare. Isa akong nurse. Nagvacation leave ako last month sa hospital na pinagtatrabahuhan ko. Sayang kasi naiipon lang vacation leave ko di naman nagagamit. Nag exceed na sya sa number of days na payable. So ang ginawa ko habang nakaleave ako nagpart time ako sa ibang hospital. Maganda napasukan ko hospital. Bagong gawa lang sya. Maganda amenities at mga facilities higit sa lahat namamaintain ang kalinisan. Simula pa lang ng career ko NICU nurse talaga ko. Kami mga nurse na nag aalaga sa mga baby na nasa incubator at may kung anu anong tubo. Ang kinaganda ng hospital na yun dalawahan ang duty bawat area isang senior. Since 12hrs ang duty 8pm to 8am may set up sila na between 12mn up to 8am. So tig apat na oras ang tulog. Pinauna ko ng senior ko. Sabi niya sa DR ako matulog. Delivery room sa paanakan, uu tama kayo kung saan bumubukaka ang mga nanganganak. Pero dalawa naman kasi DR table dun at di pa halos nagagamit yun isa. Yun hindi functional ang sya namin tinutulugan.
Eh di medyo nag papaantok ako. Nakaearphone music music lang. Medyo tinatablan nako ng behind times ko na music napapapikit nako. I used to sleep on my left side. So ayun tumagilid ako. Which nakaharap ako sa isa pang DR table, (table ang tawag pero bed sya panganakan). Napikit ako, pero parang masyado lumamig yun ac. Hinaan ko sana, dumilat ako pagdilat ko may nakahigang lalaking maputlang maputla parang patay sa DR table na nasa harap ko. Nun una akala ko nag sleep paralysis lang ako kasi normal na ako naggaganyan. Pero im awake, sabay tayo ko at takbo sa NiCu. Nagulat yun senior bakit daw ako humahangos at 30mins pa lang tinulog ko.Bumalik daw ako ulit at gigisingin nya na lang ako. Sabi ko di ako makatulog namamahay. Sya na lang sabi ko matulog. Di ko na nakita san sya natulog. Wala ako pinagkwentuhan. Ayoko umepal part timer na nga lang ako tapos gagawa pa ko ng eksena. Samakatuwid sinarili ko yun. Tapos the following duties inoobserve ko yun ibang duty na kasama namin. Kung sino mga natutulog dun. Iisang elderly senior ang nakita ko natulog dun. The whole time sa viewing area ng mga babies sila lahat natutulog naglalatag ng matigas na matres at nagsisiksikan parang sardinas dun. One time night duty may isa nagbiro sa sa kasama nya. Sabi nya sa lakas daw maghilik nun isa nauubos oras nya di sya makatulog. Dun na lang daw patulugin sa DR. Para naman umaatungal yun isa sabi nya ""kayo nga di natutulog dun ako patutulugin nyu"" . Tapos ang sagot nun isa ""itry mo lang baka pag magpakita din sayo yun lalaki dun mawala na yan paghihilik"". Pagkasabi nun nagulat ako nakisawsaw nako sa usapan nila. Ang tanong ko anong meron sa DR, sagot nya ""bakit natulog ka din ba dun"" kung natulog ka na meaning nakita mo na din yun lalaking nagpapakita dun"". Sumagot ako ng oo, sabi nya wag daw ako mag alala at di ako nag iisa lima na kami nakakita. Yun isang elderly senior na lagi natutulog dun di nya nakikita kaya dedma lang sya. Kung anu pa story about sa nagpapakita dun yan ang di namin alam. Dahil sa bago ang hospital at maternity hosp yun meaning puro buntis at babae lang ang mga pasyente. Wala pa din napabalita na namatay dun.nars len
nueva ecija

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...