Spookify#25

416 1 1
                                    

Hit and Run

Hi ako si ayesha (di tunay na pangalan) Share ko lang story namen ng ex ko. Nakilala ko si nuel (di rin tunay na pangalan) nung nakasakay ako sa jeep at pauwi nako non ng makita ko siyang naglalakad nagkatitigan kame after non bigla siyang nagchat saken etc etc. At pinapunta ko siya sa bahay ng kaibigan namen since parehas kaming mahilig uminom nung mga panahon na yon. Naging magkaibigan kame, madalas siyang nagpupunta non samin. hanggang sa nanligaw siya at naging kame naging maayos yung takbo ng relasyon namen, pinakilala ko siya kay mama, napakabait niyang lalake, gwapo, nakakatuwa yung mga tawa niya na parang ang sarap pakinggan. Pero isang araw halos gumuho mundo ko, eto na nga. Nagpunta siya samin ng mga bandang hapon ang saya pa namin non, nung medyo nag gabi na nangulit siya na nagugutom daw siya at bibili siya sa 7-11 kasama tropa niya. sabi ko hindi na at masyado ng gabe. delikado na. Pero nagulat ako nung bigla niyang pinaandar motor niya at sumenyas sa kaibigan ko na babalik daw, ni hindi nagpaalam saken. Bigla akong kinabahan nung hindi pa sila bumabalik at ilang minuto makalipas biglang nahulog yung bote ng coke na wala naman sumasanggi dito. Sobra na yung kaba ko nung mga oras na yon kase basag na basag talaga yung bote. Hanggang sa dumating yung kaibigan niya at biglang sinabe na naaksidente nga daw si mahal. iyak ako ng iyak non at di mapakale di rin ako nakatulog sa kakaisip sakanya at wala padin balita saken yung mga kaibigan ko kung ano na nangyare. Umaga na at dumating na yung mga kaibigan ko umiiwas sila saken at di sinasagot yung tanong ko kung ano ng nangyare. bigla nalang tumutulo yung luha ko habang hawak ko picture namen. sabi nila ayos lang daw siya, pero di naging panatag yung loob ko, dasal ako ng dasal iyak ng iyak. hanggang sa yung kaibigan ko sa tapat ng bahay namen sabi ko makikitawag ako at tatawagan ko yung ate niya sumagot ate niya ang sabi ok lang daw at nagpapahinga sa bahay nila pero di ako nakuntento at nakiopen ako ng fb since naputol wifi namen. Laking gulat ko ng nakita ko acc niya na puro "RIP" ang nakalagay. halos di ako makagalaw sa kinattayuan ko, bigla nalang tumulo luha ko at humagulgol dahil hindi ko matanggap. Nagpunta kame sa bahay nila pero sa harap palang ng bahay nila para kong nagiging yelo dahil parang ayaw kong pumasok ayaw kong makita siyang nakahiga at wala ng buhay. pero kinausap ako ng kaibigan ko at pumasok na kame. di ko na alam gagawin ko ng makita ko siya puro iyak lang nagawa ko at nung gabe na dinalaw namin siya kasama sila mommy bigla nalang tumaas lahat ng balahibo ko na parang yakap yakap niya ko. After niyang malibing ilang weeks nakalipas nagsimula na siyang magparamdam, Minsan nung gamit ko yung laptop at kabubukas ko lang non nagulat ako sa taas ng pwedeng search an na may nakalagay sa dulo na "TABA" Naalala ko siya na madalas hawakan yung bilbil ko. napangiti nalang ako. Meron din mga 12:00 na ata non at di ako makatulog habang ginagamit ko tablet ko bigla nalang may kumatok sa bintana namen sa may kwarto, kasama ko non si mama, tita tsaka kapatid ko. Ilang beses may kumatok sa bintana pero ang iniisip ko baka sa kapitbahay. pero hindi. paulit ulit itong kumatok hanggang sa magising tita ko at binuksan yung pintuan, binuksan ko din yung bintana at tinignan kung may tao pero WALA. Kinabahan ako non. pero naisip ko na si mahal lang yon nagpaparamdam. Nanaginip din ako minsan na nagsasalita siya naririnig ko boses niya pero nagising din ako. naiyak ako non dahil miss na miss ko na siya. Lagi ko siyang kinakausap kahit alam kong parang nakikipag usap lang ako sa hangin. Simula non lagi ng merong puting paro paro sa bahay na paikot ikot lang na alam kong binabantayan din niya ko. :) 

Ayesha
cab

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon