BAKIT AKO?
Hola Spookify! Umaasa pa rin ako na one day kahit isa lang man sa mga si'nend kong story ai ma'post ninyo. Btw, share ko lang yung sleep paralysis experiences ko sa buhay. Gusto ko kasing malaman kung bakit ganito yung nangyayari sa akin. Kahit saang bahay ako matulog, nagkaka'sleep paralysis ako, hindi man every night pero my time talaga. So, let me start my story.
Bakit ako? That question always popped out of my mind everytime I woke up from a sleep paralysis. Bakit ko nararanasan to? Nagdadasal din naman ako bago matulog. Ni isa sa pamilya or mga kaibigan ko and even my bf, hindi alam na nararanasan ko to. Hindi ko na maalala kung kailan ko unang naranasan ang sleep paralysis. Basta dito ako sa bahay natutulog, sa dating kwarto ko. Siguro mga midnight na yun, bigla na lang akong nagising na hindi ako makagalaw. Yung sa state na half ng katawan mo ung gising at yung half ai tulog. Yung feeling na sinisipa ko ung plywood na dingding namin para magising ko sila mama sa kabilang kwarto pero hindi naman pala ako gumagalaw? Hirap explain basta parang ganun. Tapos yung gusto mong magising pero ang bigat'bigat ng mata mo. At may naririnig pa ako na umaandar na trisikel. Eh hatinggabi na, walang trisikel sa amin, nasa gitna ng palayan yung bahay namin. Nagpapanic na ako pero sa awa ng Diyos nagising ako ng tuluyan. Takot na takot ako. Akala ko katapusan ko na yun. Nasundan pa yun. Hindi naman kada gabi. My time na takot na akong matulog. Pero no choice hanggang sa nakasanayan ko ng labanan at magising yung sarili ko sa sleep paralysis. Year 2014, nagtrabaho ako sa isang grocery sa kabilang bayan. Stay in ako dun. Mga isang taon din na hindi ko naranasan ang sleep paralysis hanggang isang gabi, naranasan ko ulit. Patay lahat ng ilaw. Mula sa tinutulogan ko, kusina agad ung makikita mo. Habang pinipilit kong igalaw ung sarili ko, naaaninag kong my anino sa kusina. Hanggang sa nagising ako. Binaliwala ko lang, baka namalikmata lang ako or nananaginip. Nasundan pa yun. After 1year, pinarenovate ng Boss ko ung store pati ung tinutuluyan namin. Pansamantala muna kaming tumira sa bahay nila. Walking distance lang mula sa grocery. Malaki yung bahay, maaliwalas at 2 palapag. Dun kami sa isang kwarto sa 2nd floor. Apat kami, all girls. 2 kami sa kama at ung 2 naman naming kasama sa sahig na nilatagan ng foam. Dun ako nasanay na matulog na nakabukas yung ilaw kasi parang kulob yung kwarto dun pag madilim. Mga 6months na ako dun na natutulog nung magka'sleep paralysis na naman ako. Kahit bukas yung ilaw nararanasan ko yun. Nasundan pa yun. Then one time, ti'nry naming matulog na naka'off ang ilaw. Ok naman. Mga 1 week din yun ng bigla akong ginsing ni Luna (not her real name). Buksan ko daw yung ilaw. Ako kasi malapit sa switch ng ilaw. So ayun binuksan ko. Mga 2am na yun. Kinuwento nya sakin na nagising daw siya at my nakita sya na anino sa higaan ko. Kinumbinsi ko na lang siya na baka namamalikmata lang siya kasi kagigising niya lang. Naniwala naman siya pero sa isip ko baka yun na naman sana yung dahilan para magka'sleep paralysis ako. Buti na lang at nagising si Luna. This year lang 2017, umalis na ako dun at umuwi sa bahay. Ginamit na nang kapatid ko yung dating kwarto ko. So dun ako sa kwarto dati nila ni mama natutulog. Sa sala na kasi sila ni papa natutulog. Minsan naman nakitulog ako dun sa bf ko. Katabi ko ung mga pamangkin nya. Kahit dun sa bahay nila nagkaka'sleep paralysis ako. Ilang beses din. Kahit dito ulit sa bahay, nararanasan ko yun. My dala ng tawa at my anino na akong nakikita ( my sinend akong story about dito).
Shi'nare ko yung story ko kasi gusto kong malaman kung ang sleep paralysis ba, once ba na naranasan mo to eh nagiging part na siya ng buhay at pagtulog mo kahit saang bahay ka man matulog? Hindi ko man to naranasan gabi'gabi eh nababahala pa rin ako. Although nalalabanan ko siya at sanay na ako, natatakot pa rin ako. What if one night hindi ko na kayang labanan to? Anong mangyayari sa akin? So please, Spookifiers. I NEED HELP.
*I always pray before I sleep. And I always go to Church.
-Katarina, Neg Occ

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...