I do not belong here II
Nagbasa po ako ng comments nyo at natuwa po ako sa feedback. May konting hindi naniniwala pero ok lang sa akin. Nirerespeto ko naman po opinyon nyo. By the way, matagal ko na pong sinend ang story ko sa page ng spookify. At dahil matagal na nga marami ng nangyari. Tatapusin ko na rin po ito para hindi na kayo mabitin kaya pagpasensyahan nyo na kung magiging masyadong mahaba.
Nung time na ang daming pumapasok na katanungan sa isip ko, nung una wala akong lakas ng loob tanungin sa mommy kung ano ung mga tanong ko sa isip ko. Hindi ako natatakot sa katotohanan. Natatakot ako sa mga desisyon na pwede kong magawa. Hanggang isang araw, naisip ko na ayoko na ng puro tanong lang. Gusto ko na ng sagot. Naglakas loob akong tanungin na si mommy at ito ang sagot nya sakin.
Mahirap lang daw sila nung wala pa ako sa pamilya. Hindi sila pareho nakapagtapos ni daddy ng pag aaral. Hindi nila nabibili ang mga gusto nun nila ate. Hanggang sa isang araw, may nagbigay sa kanila ng isang sanggol. Lalaki. Sabik daw nun si daddy magkaroon ng anak na lalaki kaya di na sila nagdalawang isip na tanggapin ako. Ang pakiusap lang daw ng lalaking nagbigay sakin, ituring akong parang tunay nilang anak. Na masasabi ko naman na ginawa nila. Dahil kahit hindi ko sila masyadong close, naramdaman ko naman na parte ako ng pamilya. Mula daw nung mapunta ako sa pamilya nila, gumaan ang pasok ng pera. Si daddy lang daw ang nagtatrabaho nun pero lahat daw naiproprovide ni daddy. Hanggang sa nakakapagtabi na ng pera si mommy. Nagtayo sila ng maliit na sari-sari store at nagdesisyon daw si daddy na mag aral ulit. HS graduate lang si daddy nun. Bago sila magkaroon ng pamilya ni mommy, gustong gusto daw ni daddy na maging isang engineer. Kaya tinupad un ni daddy. At parang lucky charm, nagtuloy tuloy daw ang swerte. Nakakapag aral si daddy at the same time nagtatrabaho din. Hindi daw sila kinakapos sa pera pero hindi naman daw sumosobra ng marami. Saktuhan lang. tapos natanggap si daddy sa isang engineering firm sa Saudi. Dalawang taon bawat kontrata. Sabi ni mommy, nagulat daw sya nung nakita nya si kuya Gab nung isinama ko sa bahay dahil daw tandang tanda nya na si kuya Gab ang nagbigay sakin sa pamilya nila. Hindi daw sya nagkakamali. Ganun na ganun daw ang itsura. Pero ang dahilan kung bat ako pinamigay ay hindi daw nya alam. Pagkatapos na pagkatapos daw na ibilin ni kuya Gab na ituring akong parang isang pamilya, umalis na daw ito.
Kaya pala wala akong kamukha sa kanila. Ngayon nasagot na ang isa sa mga tanong ko. Kung ako tatanungin nyo kung galit ba ko? HINDI. Hindi ako nagsisisi na sa kanila ko napunta dahil mabuting maguang sila. Galit ba ko kay kuya Gab? HINDI PA. dahil hindi ko pa alam ang totoong dahilan nya. Sa mga nalaman ko, may isang tanong nanaman na umusbong. Kung sanggol pa lang ako nung ibigay ako ni kuya Gab kila mommy, ibig sabihin hindi tumanda ang itsura nya? Sino sya? O mas magandang tanong, ANO SYA? Alam kong sya lang makakasagot ng tanong na yan pero gaya ng kay mommy, hindi muna ako nagtanong sa kanya. Hanggang isang araw bigla nya saking sinabi na alam nyang alam ko ng hindi ako totoong anak nila daddy. Alam nyang may alam na ko. Hindi pa ako handa nun sa mga sasabihin nya pero hindi ko na sya napigil magsabi ng totoo.
Nung time na ipinanganak ako ni ina, galit daw nun si ama. At sa sobrang galit ni ama, nasabi daw nito na ayaw nya akong makita sa mundo namin. Bilang nakakatanda kong kapatid, sya ang gumawa ng paraan para mapunta ako sa mabuting tao. Sya din ang may gawa kung bakit guminhawa ang buhay nila mommy. Ayaw nya daw akong mahirapan sa mundo ng mga tao. Engkanto kami. At isa sa mga kakayahan namin ang makabasa ng iniisip ng mga tao. Nung unang beses na nagkita kami ni kuya Gab, na-activate ung kakayahan ko na un. Normal daw un samin. Pero ng tanungin ko kung bat di sya tumatanda, sabi nya dahil daw sa mundo namin sya lumaki. Ako daw kailangan ko daw tumanda dahil nasa mundo ako ng mga tao. Sabi pa nya, tao si ina. Minahal daw ni ama si ina pero nagsawa daw si ina sa buhay sa mundo namin. Nung mga oras na un buntis si ina at ako un. Pinili daw ni ina na iwanan si ama. Yun ang dahilan kung bakit nagalit si ama at napagdesisyunan nyang dalin ako sa mundo ng mga tao. Nagsisisi na daw si ama. Gusto na daw nya ako makita. Gusto daw nya bumawi sa akin. Gusto nya na daw akong kuhanin.
Yung tungkol sa identity ko? Oo, engkanto ako. Hindi ako nagalit. Inisip ko, atleast nagsisisi na si ama. Sabik din akong makapunta sa sinasabi ni kuya Gab na mundo namin. Sabik din akong makita si ama. Ngayon alam ko na, kung bakit magaan ang loob ko kay kuya Gab. Kung bakit parang may kakaiba samin. Magkapatid pala kami. Kailangan kong pag isipan mabuti ung magiging desisyon ko. Kung sa anong mundo ba ako nararapat. Gusto kong makita si ama. Gusto kong maramdaman ung pagbawi na sinasabi nya. Pero ayaw kong iwanan sila mommy.
Sa huli napagdesisyunan kong gumalaw sa dalawang magkaibang mundo. Gaya ng ginagawa ni kuya Gab. Ngayon, nakita ko na si ama. Nararamdaman ko ung pagbawi nya. Alam na rin nila mommy lahat ung tungkol sakin. At ayos lang sa kanila. Tanggap nila ako. Tanggap nila ung desisyon na minsan nasa mundo ako nila ama. Maswerte ako, yan lang masasabi ko.
Sa modernong mundo na meron ang mga tao. Modernong mundo na nagpapabago ng paniniwala ng bawat isa sa inyo. Alam kong may ibang hindi maniniwala. May kukwestiyon. Ayos lang yan. Hindi ko kayo pipilitin maniwala. Parehas kong napapasok ng malaya ang dalawang mundo na hindi nakatadhanang maging isa. Hindi pa ko lubos na buo. May isa pang kulang. Hindi si ina. Kundi ung babaeng tatanggap sa akin sa kung ano ako. Yung hindi lang kakainin ng kuryosidad nyang makita ang mundo namin para piliin nya kong makasama. Gusto ko ung mahal ako. Ung kayang sumabay sa parehas na mundo ko. At higit sa lahat, ung hindi katulad ni ina. Sa mga taga Novo Ecijano jan, malamang minsan nyo na kong nakita. Nakausap. So, see you around
Salamat sa pagbabasa
PS. Hindi po lahat ng engkanto ay masama. Pwedeng gantihan ni ama si ina pero hindi nya ginawa.
PPS. Hindi ko nabasa ung iniisip ni mommy nung time na pumunta samin si Kuya Gab dahil kinontrol pala ni kuya Gab.Prince Gavin Nueva Ecija

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorrorHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...