Akala ko .......
Annhyeonghaseyo !! I'm an avid reader here in spookify. Itago niyo na lamang ako sa ngalang JM.Sa pagbulusok ng sinag ng araw isang panibagong araw naman ang dumarating at panibagong pagsubok na naman ang ating kakaharapin minsan nga napapaisip na lamang tayo kung bakit tayo nakakaranas ng ganito. Ang inaasahan kong masayang araw ay hindi nagkatotoo dahil parang may mali, parang may kakaiba hindi lang sa akin kung hindi sa aking paligid. Parang iba yung atmosphere na kinatatayuan ko. Sabi ng iilang indibidwal ang third eye daw ay nakukuha kung muntik ng malasap ng isang tao ang kanyang kamatayan o kaya naman namana mo sa ninuno o kaya mayroon ka na talagang third eye mula pagkapanganak mo.
Isa rin akong mag-aaral sa isang paaralan sa lungsod ng Maynila. Malaki ang paaralan kahit ito ay pampubliko lamang. Pagpasok mo sa pintuan makikita mo ang mga ngiting gumuguhit sa mukha ng mga mag-aaral at ilang staff ng paaralan pero may isang naiibang babaeng tila hindi maipinta ang mukha. Nagulat ako pero hindi ko ipinakita yun sa mga tao sa paligid ko baka isipin nila na nawawala ako sa aking sarili. Nakatingin lang siya sa akin nakasuot ng kulay puting mahabang damit. Pero hindi ko na lamang yun pinansin bagkus ay dumiretso na lamang ako sa obalo. Akala ko yun na ang huli pero nagkamali ako. Isang beses sa aming silid-aralan nakaupo ako malapit sa may pinto nakatalikod ng bahagya sa katabi ko hanggang sa mapansin ko muli ang babaeng nakita ko. Nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ng takot. Nakatayo siya malapit sa kaklase ko hindi ko ito muli pinansin ngunit sa isip ko ako'y nagdadasal na hanggang ito'y maglaho na lamang na siyang ikinaluwag ng aking dibdib. Sabi kasi nila huwag mong ipahalatang nakikita mo sila dahil susundan ka nila. Hanggang sa sumunod na araw sa aming tahanan ay nagliligpit ako ng mga hugasin nang maramdaman kong tila may humahawak sa aking magkabilang braso na aking ikinagitla sapagkat ako lamang ang naroon nanlamig ang aking katawan nanghina at muntik nang maibagsak ang hawak na pinggan. Ngayon narealized ko na marahil nakabukas ang aking ikatlong mata. Ilang beses ko na rin na isip kung ipapasara ko ba ito. Gusto ko man ngunit saan ako hahanap? Sabi naman ng kakilala ko na bihira na lamang ang mga taong may ganung abilidad. Minsan nga akala ko nagsara na ang aking ikatlong mata ngunit nagkamali ako imbes na makakita ng mga nilalang ay nakakarinig naman ako ng mga tinig na kakaiba. Minsan may umiiyak minsan naman may tumatawag sa akin nang paulit-ulit. Isang beses ako ay nasa sala may tumawag sa aking ngalan nagtataka ako dahil ako lamang mag-isa ang naroon sa bahay. Kaya napatakbo ako pababa ng aming bahay. Hindi lamang sa aming tahanan kung hindi pati na rin sa aming paaralan pero hindi ko pinapahalata sa mga nakapaligid sa akin dahil baka hindi sila maniwala. Kaya lagi kayong magdasal hindi lamang dahil may nakikita kayong kakaiba kung hindi araw-araw bilang pasasalamat sa ating Panginoon. Magdasal tayo hindi lamang dahil may kailangan tayo sa kanya. Laging mag-iingat aking kapwa. Lagi niyong isipin na andiyan lang siya para sa inyo. Hindi lamang tayo ang nasa mundong ito kaya matuto tayong rumespeto. Kaya akala ko... wala akong third eye. Akala ko lang pala iyon.
Sanggre Michael
Manila City

BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HororHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...