Spookify#6

519 5 0
                                    

Childhood Recognizable Nightmare

Eto pong panaginip na to is matagal na matagal ko ng napanaginipan. I was born on May 2004. Nagsimula akong mag recall ng mga memories ko nung around 3-4 yrs old ako.

So eto na nga, di ko alam kung panaginip ba toh o tunay na nangyari, pero pag tuwing tinatanong ko sa parents ko kung nangyari nga ba ang bagay na yun sakin wala naman daw sila matandaang nangyari yun.

Ang pinaka unang natandaan ko sa panaginip ko is, nag eempake daw kami papuntang manila kasi si daddy ay aalis ng bansa magtatrabaho. Pero ang pinagtataka ko lang ay bat di kasama si mommy? Ano yun uuwi ako ng bahay na ako lang mag isa?

Hanggang sa nakarating na si daddy sa bababaan nya at bigla na lang nya ako iniwan dun sa bus. Sabi nya wag daw ako aalis dun intayin ko daw sya. Nag-intay ako ng nag intay pero di sya bumalik. Nakatulog na lamang ako kaiintay.

Ngunit paggising ko napapunta ako sa isang malaking lumang mansyon. Na parang matagal ng hindi tinitirhan ng mga tao. Kasi andami ng galbok atsaka wala na rin kasi masyadong mga appliances ang tanging nandun na lang is yung sofa, mga upuan atsaka isang mahabang lamesa.

Napansin ko na hindi ako makagalaw at hindi rin ako makapagsalita. Tapos mga 15 mins siguro may dumating na mga naka hoods na puti at nagsimulang mag meeting dun sa malaking lamesa ng hindi ako napapansin. Hanggang sa may isang nilalang (di ko masabing tao or what) na tumingin sa direksyon ko. At ngumiti sya hanggang sa mapunit ang mga labi nya dahil sa sobrang pagbanat ng kanyang bibig sa pag ngiti. Sabay sabi ng ""ikaw ang may kasalanan nito.""

May lumitaw na image sa isip ko na ang lahat ng taong nagpupulong sa mahabang lamesa ay nag pakamatay sa mismong spot. At yung isang miyembro na umimik sakin. Napansin ko na nakaharap parin sya sakin at nakangiti habang unti unting dumudugo ang kanyang bibig.

This time nagising uli ako pero, nandoon parin ako sa place na yun. At nakakagalaw na ko, pagkalabas ko karamihan ng mga nag uuli sa labas ay lahat naka hood ng white. Then napansin ko na ako mismo naka suot na rin na hood na white. Lahat sila hindi ko makita ang mukha. Pero merong isang normal na pamilya akong nakita dun. Inadopt daw nila ako, 1 taon akong nandoon. Namumuhay ng normal, pero tuwing maglalakad ako sa labas or papasok ng school, karamihan sa kanila nakatingin sa akin at parang may gustong ipahiwatig.

May isa akong naging kaklase dun at sya lang yung nakakausap ko. Parehas kami ng experience. Sumakay din daw sya sa bus pero hindi na sya nakabalik sa bahay nila. And masasabi kong ang gwapo nya. Pero syempre at that time, di ko pa alam kung anong gwapo sa hindi. May sinabi sya sakin na sakanila na lang daw ako tumira. Delikado daw dun sa pamamahay ko. Sabi ko ""bakit? Sila nga ang pinaka normal sating nandito ah.""

Ilang araw ang lumipas, napansin ko na laging naalis ang pamilya na nakatira dun sa tinitirhan ko. At lagi silang pumupunta dun sa mansyon.

Nagtataka ako. Sinong gustong pumasok sa mansyon na mala haunted house ang dating?

Hanggang sa sinabi sakin ng nag iisang kaibigan ko. Na sila ang nagdadala ng mga tao dito sa lugar na to. At yung mga tao na nakikitira sa bahay nila ay ginagawa nilang sakripisyo sa kanilang sinasambahan. Nung nalaman yun ng pamilya na nakatira dun sa bahay hinanap nila yung bestfriend ko at.. pinatay.  Sunod nila akong pinatay. At saka lang ako nagising.

Nakabalik na ko sa bahay namin at sabi nina mommy at daddy ang bilis ko daw matulog wala pang mga 30 mins.

And yung lalaking gwapo na bestfriend ko ay naging kaklase ko ngayon parang yung sa panaginip lang. Tho, hindi kasali sa occult ang family ko ah.

Girl in White
Lucena City

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon