Paghihirap Nang Isang Bata
Magandang araw mga kuys! Magse-share na po ulit ako ng isa ko pang istorya. Salamat po sa mga bashers at sa mga sumuporta sa una kong kwento.
Ang kwentong ito ay isa sa mga karanasan ko noong bata pa ako, mga year 2001 yata sa pagkakatanda ko. 7 years old ako noon, 23 na ako ngayon.
Napakaganda ng gising ko noon sa luma naming bahay, bale, ang kwarto ko ay nasa taas (pinaka-2nd fl.). Yung bahay kasi namin ay bahay pa ng lola ko. Parang sobrang luma na. Ang latag ko sa kawayang sahig ay banig. Tapos nakakulambo ako ng kulay red, medyo pink na kasi pamana pa ata ng unang henerasyon 😂. Sa harapan ko ay ang lumang aparador na may nakadikit na mahabang salamin. At ang pintuan ng kwarto ko ay katulad nong sa aparador na ang hati ay nasa gitna. Basta bubuksan mo sya sa gitna, ganon. Sorna magulo.
Haba ng intro.
So yun na nga. Bumangon ako. Pero nakaupo pa din ako that time. Nagmumuni, nakikinig sa paligid (huni ng ibon, tahol ng aso, isama na din natin ang mga tsismosang kapitbahay na nasa salas namin na naghuhuntahan tuwing umaga habang nagkakape). Habang lipad pa ang isip ko, bigla kong narinig yung isa naming pinsang babae na nagsalita, ""Namatay na pala yung isa nating kamag-anak kagabi, inatake raw sa puso.""
Sumagot ang nanay ko, ""Nako po, kaawaawa naman iyon ay pagkakabait pa naman.""
Sumingit yung isa kong pinsan na lalaki, ""Ah, baka si Tiyong yung nagparamdam sakin kagabi. Bago kasi mahiga sa sofa, ni-lock ko muna yung pinto tapos nanood ako ng palabas sa tv. Naalimpungatan ako kasi medyo lumamig, matutulog na sana ako kaya nagdouble check ako ng lock ng pinto pero nagulat ako kasi nakakawang yung pinto na nilock ko. Isinusi ko ulit. Bumalik ako sa sofa at tinapos yung pinapanood ko tapos nagpunta akong cr para umihi. Nakarinig ako ng katok, pero wala naman akong inaasahan na darating sa oras na yon kasi pasado 11 na nang gabi. Pagkalabas ko ng cr, nakita kong bukas na ulit yung pintuan na nakalock. Nilapitan ko yung pinto at sumilip pa ako sa labas tapos nung wala akong makita, nilock ko na ulit at natulog na ko sa kwarto, natakot na kasi ako.""Sa sandaling yon, gising na gising na ang diwa ko. Nakaharap ako sa electricfan namin nun. Ang style nya ee square, tapos sa gitna ay yung bilog na medyo malaki, andun na din yung elesi. Sa pinakatuktok na electricfan, nadoon yung pindutan:
OFF , LOW , MEDIUM , HIGH.
Naka high yung electricfan, nang biglang lumubog yung pindutan ng medium, tapos yung low, tapos yung off, then bumalik ulit sa high. Natakot na ko non kasi manual mong pipindutin yun kapag gusto mong magpalit ng hina o lakas na ng hangin. Walang pumindot. Kusang lumubog mag-isa ang mga pindutan.Dali dali akong tumakbo sa baba, maputla at sinabi ko agad sa pinsan ko at sa mga taong nasa baba ang nangyari.
Pero walang naniwala. Iniisip ko na baka dahil bata pa ako kaya ganun. Baka akala nila gawa gawa ko lang ang lahat. Pero hindi, nakita ko talaga na ganun ang nangyari. Sinabi ko na baka nagparamdam din yung kamag-anak namin na namatay nung gabing lumipas. Pero di ko sila napaniwala.
Kaya kung may mga bata na lalapit sa inyo para magkwento, wag nyong basta babalewalain. Baka mamaya, sayo magparamdam at di mo kayanin.
#KwentongBatangueño
- Sir Paps.
Batangas City
BINABASA MO ANG
Spookify Unli (Offline)
HorreurHighest rank: #97 in horror (1 month after publishing) Compilation of one shot horror stories. Best readed at night. Read at your own risk! Be sure na nakapagdrain na kayo. Mamaya, kahit pagkuha lang ng tubig takot na kayo xD Enjoy! Ps. For more ho...