Spookify#20

285 2 0
                                    

SA BUROL NI LOLO

Hi Admins! Hi Readers! (Pasenxa na po admins kung dto ako nagsend free data po e , paki hide narin po identity ko. SALAMAT PO!) Matagal ko na sanang gustong ishare to. Silent reader ako dto, minsan pa react react, palike like, pacomment comment, hilig ko talaga magbasa ng horror stories. First time ko magshare dto, kaya pasenxa na kung di maayos pagkakakwento. SANA PO MASHARE SALAMAT PO ULIT! Lemme start here.. Call me Blue(girl), 19 nko ngayon, pero nangyari to mga year 2012 or 2013 dko na mxadong maalala. Sa bahay ng lolo ko sa bataan bandang dinalupihan, nsa taas ng bundok ung barrio nila. Since bundok ciempre mapuno, tahimik . Pero taga Pampanga ako. Eto na. Nabalitaan namin na namatay na si lolo, kinabukasan bumyahe kami ng bataan ksama si tita ko at ung anak nya pati ung dalawang chikiting nito. (Wala parents ko nsa manila. Kaya kila tita ako nkikitira. Btw, Bale Papa ng Mama ko ung namatay.) FF. My Lolo's Burial, I can't remember kung pang ilang night nya na nun na nkaburol. Since mahilig ako magpuyat at talagang kung sa puyatan lang e matindi talaga ako. So i decided na ako mag duty para magtimpla ng kape, mag asikaso and so on para sa mga nkikilamay at nagsusugal. FF. Nagtimpla na ako ng kape sa kusina. Ako lang mag isa, nang bigalang may sumitsit sa akin. Palinga linga akong hinanap kung sino ito. Ngunit wala. Wala akong nakita. So i decided to ignore that thing at pinagpatuloy yung pagtitimpla ko since di nman talaga ako matatakutin. FF. Nung mga bandang 1 na ng madaling araw, nagpasama sakin ung pinsan ko na ihatid siya papunta sa bahay nila tito ko, kasi dun kami nakikitulog muna. Kasama namin yung isang baby nya , karga karga nya. Medyo malayo ung bahay nila tito ko sa bahay na pnagburulan kay lolo, since madaling araw narin natutulog na ung mga kapit bahay nila tito. FF. Pabalik na ako sa burol pagkahatid ko sa pinsan ko. Magmula sa bahay ng tito ko lalakad ka ng konti sa sagingan then turn right lakad ulit then turn left. Nung nsa last part na sana ako ng kantong paglilikuan ko napansin kong iba ung shadow ng punong acacia na dinaanan ko, kesa sa orihinal na anyo nito. Mula sa harapan ko makikita mo ung anino ng puno dahil sa liwanag ng bumbilya sa labas ng bahay na nasa likuran nito. Huminto ako saglit at pinagmasdan ung anino. Naalala kong diretxo ang punong dinaanan ko at hindi parang may taong kuba na nka tayo sa gilid nito.Nilingon ko ito ngunit wala nmang katao tao. Pero pagtingin ko ulit sa puno, meron talaga! Meron talagang kuba na nsa gilid nito! Nung mga sandaling yun naalala ko ung bilin sakin ng lolo ko nung nagchristmas kami sa kanila nung nabubuhay pa siya "Anak, wag kang maglalakad mag isa dyan sa labas. Lalo't dalaga ka pa nman din. Gustong gusto ka nila lalo na't mahaba yang buhok mo." Dun nag umpisang kumabog ang dibdib ko, naglakad ako ng matulin na matulin na animo'y tumatakbo na, nang mapansin kong hndi ako umaalis sa kinaroroonan ko. Paulit ulit ulit ulit yung daanang nadaraanan ko. Ung halaman, kahoy, puno, at yung anino, nandun parin. Naramdaman kong umiinit ung sing sing ng lolo ko na ibinigay niya sa akin nuon at ipinalawit ko sa aking kwintas, dahil hndi ito kasya sa mga daliri ko, na siyang ginagamit niya nuon sa panghihilot at panggagamot. Ang sabi pa niya sa akin nuon na kapag uminit ito ay ibig sabihin may nangyayari o mangyayaring masama o hndi maganda sa akin. Hinawakan ko ung singsing at idinalangin yung mga latin na itinuro nila sakin. Sa pagpatak ng luha ko, kasabay nito ang pagtakbo ko ng napakatulin pabalik sa burol ni lolo at dun humagulgol ng iyak sa harapan ng kanyang kabaong .

PS. PASENXA NA PO KUNG MAHABA'T MAGULO.
PPS. SALAMAT PO PAG NAPOST TO ADMINS !
PPPS. SHARE KO PA IBANG KARANASAN KONG CREEPY PAGNAPOST TO.
--BluexPampanga.

Spookify Unli (Offline)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon