Chapter 25

72 2 0
                                    

“I’m so sorry superman, maya na lang tayo mag usap ha! Late na ko sa work, eh! Maliligo lang ako then I’m off to office”

“ok ako na maghahatid sayo sa office” sabay na kaming pumasok ng bahay

“wag na malalate ka pa! basta maya na lang tayo mag usap ah!”

Sila nanay nakatingin lang sakin di ko alam kung alam nila ang nangyari between me and Jake.kumiss lang ako sa kanila. Di na sila nagtanong demeretso ako agad sa kwarto ko. Di ako nakakaramdam ng pagod.

 As of this time, ayoko munang pag usapan. But I decided to resign in his company. Tutuloy ko na lang ung sa London. I have to do this. Sandal akong tumitig sa kawalan at nagbuntung hininga ang lalim non!

Tumayo ako ang nagsimula ng mag ayos ng sarili ko. Wala na kong ibang maisip kung di ang magmove on. Ayoko na rin syang makausap tungkol dito. Tama na, tapos na kami. Matapos ang 30 minuto, I’m ready to go. Nagpaalam na ko kila nanay. Di na rin ako nag alamusal. Sumakay ako kay baby mio.

Wala akong pakialam sa mga kasabayan kong sasakyan. Go lang go hahahha! Life is short kaya be happy na lang. nakarating ako ng parking lot ng di ko namamalayan. Ganito pala talaga pag lutang, buti na lang di ako nadisgrasya.

Naglakad lang ako papuntang biometrics para mag in, wala talaga ko sa mood. Oh God please help me! Nakarating ako sa office ko ng maayos buti na lang wala pa sila Ren at Ica kung di mangungulit na naman ung mga un.

Umupo ako sa swivel chair ko at binalibag sa couch ung mga gamit ko. Gumawa ako ng resignation letter effective after one month. Agad akong lumabas ng opisina ko at nagtungo sa 20th floor, yeah sa President’s office. Nakita ko si Lorie mukang nagulat sakin bakit kaya?!

“good morning ganda! Nanjan ba si bossing?” natural na sabi ko

“ah um yes, pero may kasama sya sa  loob.” Naiilang na sabi nya

Parang naintindihan ko na kung sino ung sinasabi nya. Wala na rin naman akong pakialam dun.

“I’ll just wait here ok lang ba?! Ikaw muna guguluhin ko?”

“sure Lei, wait lang inform ko lang si Sir na nandito ka!”

“ok!”

Inabot nya ung intercom at tumawag kay Jake di ko na lang pinakinggan. Umupo na lang ako sa tabi nya at kung ano ano ang kinatikot ko dun. Ayoko na rin kasing bumaba nakakatamad na kasi.

Kinalabit ako ni Lorie “Lei pumasok ka na daw”

“kala ko ba may kausap pa sya?” nagkibit balikat na rin ako at pumasok ng office ni Jake

Tama nga ako ng hinala nandun nga ang bruhildang si Choreen haist. Nakangisi pa ang maldita tapos inaayos ang damit. Ano may nangyari ba? Paki ko?! Tss

“Good morning Sir, Ma’am” bati ko sa kanila

ikaw na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon