Tatlong araw na akong natutulog sa kwarto ni Devin. Tatlong araw na rin syang hindi umuuwi dahil busy ito sa kompanya nila. O baka naman talagang ayaw lang nya akong makasama sa iisang kwarto kaya lagi syang nagpapakabusy.
Kahit na wala sya sa kwarto, sa sofa pa rin ako natutulog dahil feeling ko wala akong karapatan na humiga sa kama nya kahit asawa nya pa ako-- sa papel.
Pero ang pinagtataka ko, palaging sa kama ako nagigising. Nung minsang tinanong ko si 'Nay Esther kung umuwi ba Devin ay hindi naman daw, konting konti nalang maniniwala na akong nag'isleep walk ako.
HINDI MAIPINTA ang mukha ni Barry habang nakatutok sa cellphone nito, ni hindi na nga nito namalayan na naubos na namin ni Sadie ang pagkain nitong french fries.
Maya't maya ay biglang nilapag nito ang cellphone nya sa gitna nang mesa. May litrato nang isang maganda at seksing babae na halatang amerikana dahil blonde ang kulay nang buhok nito.
"Ui bakla, natotomboy ka na ba?" Usisa ni Sadie. Mukhang may himala ata at nagka'interes si Barry sa isang babae.
Umingos ito. "No way, highway, hamunin ko pa ng sabunutan ang babaeng yan e".
"E ba't may picture ka nung babae?"
"Sadie my dear" malambing na saad nito tsaka umarteng nasusuka. "You should know your enemy"
"Ano namang kinalaman ng babaeng yan sayo, aber?"
Itinuro nito ang litrato "ang babaeng yan ang pisti sa pagmamahalan namin ng fafa Devin ko. Astrid Monroe, 24 years old, an international model."
Napatingin ulit ako sa litrato at napatitig dito.
Astrid Monroe...
Bigla akong nanliit habang nakatingin ako sa litrato. Sobrang ganda nito, hindi na ako magtataka kung totoo mang sya ang first love ni Devin. Feeling ko magmumukha lang akong katulong sa tabi nito.
"Infareness maganda sya, mukha nga lang maldita, sa itsura palang nya alam mo nang may attitude na" komento ni Sadie.
Natanggal lang ang paningin ko sa litrato nang bigla itong kunin ni Barry kaya nabaling ang attensyon ko sakanya.
Umikot ang mga mata nito "tsss mas maganda naman ako nang sampung paligo dyan nu, ang chaka chaka, nagtataka nga ako kung panong naging model yang hito na yan"
"Sabagay kung ikukumpira ito kay Mindy, di hamak na mas maganda naman itong kaibigan natin" sabay tapik ni Sadie sa balikat ko.
"Sinasabi mo lang yan dahil kaibigan mo ako" kontra ko. Feeling ko kasi hindi ako kagandahan kahit pa maraming nagsasabi na maganda 'raw' ako.
"Edi tanungin natin si Fafa Enoch, ipakita natin sa kanya yung litrato ni hito, tapos tanungin natin kung sino sainyo ang mas maganda." Suhesyon ni Barry.
Umiling si Sadie "unfair pa rin, malamang si Mindy ang mas maganda para kay Enoch, dahil may gusto ito sa kaibigan natin."
"Wala nga sabing gusto si Enoch sakin gumagawa la--"
"MERON" ani nila at pinandilatan pa ako ng mata ni Barry. Bumuntong hininga nalang ako.
Tinaas ko pa ang mga kamay ko na para bang sumusuko na ako.
Natuon ang attensyon namin nang may narinig kaming mga impit na tili. Napatakip nalang kami ni Sadie ng tenga nang si Barry na ang tumili.
Nasa bungad lang naman ang mga basketball players, sa pangunguna nang team captain nilang si Enoch. Mukhang kakagaling lang nila sa practice dahil naka jersey pa sila at may konting pawis, mukhang hindi pa sila tapos sa pag'eensayo at naisipan lang na kumain muna sa cafeteria. Mukhang pinaghahandaan talaga nila ang nalalapit na basketball university competition.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.