Chapter 9

162K 2.9K 352
                                    

Palagi nang madaling araw kung umuwi si Devin, na syang kinakabahala ko. The sweetness are gone. At gaya nang dati para nanaman akong hangin sa paligid nya. Lagi rin itong abala sa cellphone nito. Yeah, I'm worried, freaking worried.

"Earth to Mindy" napabalik ako sa huwisyo nang tapikin ako si Barry. "Okay ka lang girl?"

"Huh? Ah o-oo" tumango ako at ngumiti nang tipid.

Gumagawa kami nang report namin para sa isa naming major subject, kaming tatlo ang magkagrupo at naisipan namin or should I say naisipan ni Barry na sa isang cafe nalang malapit sa school namin pag-usapan ang tungkol sa report namin.

I shruged my head mentally. Ang report dapat namin ang kailangan kong isipin.

"So sino satin ang magrereport sa harap?" Tanong ni Barry habang maarteng umiinom ng frappe nito.

"Yan talaga ang concern mo, wala pa nga tayong report" inis na tugon ni Sadie.

Biglang nagpapadyak si Barry na parang batang may tantrums. "Wala akong alam tungkol sa eklavu eklavu na yan, so spare me"

"Spare mo mukha mo, ikaw magbayad nang mga ito ha" sabay turo ni Sadie sa lahat nang pagkain at inumin sa mesa namin.

"Sure, yun lang pala, so ikaw nang bahala sa report natin?" Taas kilay na tanong nang isa.

Nanlaki ang mga mata ni Sadie "short ako ngayon e".

"Kailan ka ba lumaki?"

"Aba't-"

"Ako na. Ako nang gagawa" presinta ko.

Sabay silang napatingin sakin "the best ka talaga" nag'thumbs up pa sila sakin.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka simipsip sa frappe ko. Kailangan ko nang distraction ngayon at sakto ang paggawa nang report. Para hindi palaging problema ang nasa isip ko. Kailangan ko rin palang magpadala nang pera sa mga magulang ko sa susunod na weekend.

"Oh my! is that my boyfriend!" Naagaw nang pagsigaw ni Barry ang attensyon namin ni Sadie.

"Boyfriend? May nagkamali?" Nakangising pang'aasar ni Sadie.

Hindi pinansin ni Barry ang pang'aasar nito. Nakatingin lamang ito sa labas nang cafe kung nasaan ang isang mamahaling restaurant sa tapat ng kalsada.

"Teka si Devin ba yun? sino yung kasama nyang babae?" Bigla akong natulos dahil sa sinabi ni Sadie. Devin? Kasamang babae?

"Oo sya nga at may kasama syang babae, pinagtataksilan nya ako friend" madramang tugon ni Barry. Biglang nanlamig ang mga kamay ko dahil sa narinig.

That should be my line, not Barry's.

"Haist, wag ka ngang ilusyunada. Hampasin kita nang kapeng barako dyan e" Pairap na tugon ni Sadie.

Pinagtataksilan?

No Mindy. Wag. Wag kang tumingin sa labas. Wag kang tumingin.

But my body betrayed me.

And they're right.

He's there.

He's there with other woman.

The woman with him is beautiful, no beyond beautiful, I think and she have a body that only goddess possess. Napaiwas ako nang tingin, habang tumatagal kasi ang pagtitig ko sa babae ay nanliliit ako sa sarili ko. Ano namang laban ko sa ganong klaseng babae?

Halatang may pinag-aralan ito, samantalang ako... hayyy.

May class din ito. Yung tipo nang babaeng nararapat sa mga mamahaling restaurant at hindi pwepwede sa kung saan saang kainan lang.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon