Chapter 19

176K 2.8K 173
                                    

Ngayon namin malalaman kung saan ang magiging practicum site namin. At hindi na ako nagulat pa nang sa kompanya nina Devin ako napunta. Take note, ako lang mag-isa. Pero hindi ko pa alam kung saang department ako mapupunta.

"Gosh, naprepressure ako." Aligagang ani ni Sadie. "Anong gagawin ko, siguradong araw-araw ko siyang makikita sa loob nang dalawang buwan."

Sa kompanya nina Aero kasi ito napunta. Good for her. At kasama niya rin si Barry doon.

"Wala kang gagawin. As if naman mapapansin ka nung tao." Pairap na tugon ni Barry. "As if, duh." Dugtong pa nito.

"Huwag mo akong simulan ngayon, bakla." Banta ni Sadie. Akmang susumbat pa si Barry nang pigilan ko na ito.

Nang dahil sa ginawa ko, nalipat ang attensyon nito sakin. "Ang daya, ba't mag-isa lang si Mindy sa practicum site niya? Teka paano na ang peer rating mo kung mag-isa ka lang?". Oo nga nuh, may peer rating nga pala kaya dapat may kasama ka sa practicum site.

"Yung mga mismong nagtratrabaho doon ang maggragrado sa peer rating niya kaya mas lalong nakakapressure 'yun." Sagot ni Sadie. "Malas ko lang sa ka-peer rating ko. Ui bakla sinasabi ko na sayo ha walang personalan 'to ha."

"Oo naman, basta 'wag ka lang gumawa nang ikakagalit ko." Ani ni Barry.

"Tulad naman nang ano?" Takang tanong ni Sadie.

Biglang ngumisi si Barry at flinip na nito ang imaginary long hair niya. "Basta 'wag kang pahara hara pag nagkaroon kami nang moment ni Fafa Aero ko." Maarteng saad nito.

"Duh, as if."

SABADO NGAYON at tinutulungan ko sa mga gawaing bahay si Nay Esther. May pasok pa kasi sa opisina si Devin, pero tuwing linggo ay hindi ito pumapasok.

Pagkatapos naming maglinis ay tinulungan ko naman sa pagluluto si Nay Esther nang tanghalian namin. Ako ang naghiwa nang mga rekado kanina kaya ngayon pinapanuod ko siyang magluto, inaabot ko rin sakanya ang mga rekado na ilalagay na niya sa niluluto niya.

"Alam mo ba hija, nung umalis ka nang bahay. Hindi ko na nakitang kumain dito sa bahay iyang asawa mo." Biglang turan nito. "Lagi ring lasing kung umuwi nang madaling araw. Ilang beses na nga itong pinagsabihan nung magandang babae na kaibigan nito, pero nagtetengang kawali ito, titigil lang daw siya pagbumalik ka na." Hindi ko naiwasang malungkot dahil sa sinabi nito.

"Hija, saksi ako sa mga sakit na dinanas mo sa nakalipas na tatlong taon na mapapalagi mo dito sa bahay, kaya masasabi kong deserved mo kung ano man ang natatamasang pagmamahal sayo nang asawa mo, sana hayaan mo siyang makabawi sa mga pagkukulang niya sayo. Sa nakikita ko ngayon mukhang magiging maayos na ang pagsasama niyo. Sana magtuloy-tuloy na." Ibinaba nito ang hawak na sandok tsaka nito hinawakan ang mga kamay ko.

Matamis akong ngumiti sakanya. "Sana nga po Nay."

"Sana magkaroon na kayo ng anak. Para naman may nag-iingay na dito sa loob nang bahay." Ani pa nito.

"Yun na nga po e..."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Nanay. "Teka, 'wag mong sabihing may laman na iyan." Sabay nguso nito sa tiyan ko.

Ang mga mata ko naman ang biglang nanlaki. Napailing ako. "Wala po. Hindi po ako buntis."

"Naku, mahina pala ang batang 'yun e. Teka may nangyari na ba sainyo?". Bigla akong namula dahil sa tanong niya. "Naku wag ka nang mahiya hija, normal lang iyan sa mag-asawa lalo pa't mga bata pa kayo."

"Yun nga po Nay, gusto ko po sanang kausapin si Devin tungkol doon, ayoko po kasi sanang magmarcha sa graduation na may laman ang tiyan ko. Tatlong buwan nalang naman po iyon. Pero po kasi gusto na agad ni Devin na magdalang-tao ako." Paliwanag ko.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon