Hindi mawala sa mukha ko ang aking ngiti dahil sa kakulitan nang kasama ko ngayon. Napapatawa nalang ako sa mga kalukohan nito. Hindi ko akalaing may ganito pala syang side, may pagkakenkoy. Pag nasa school kasi kami palaging 'cool' ang aura nya lalo na't isa syang athlete.
We end up eating streetfoods. Kahit puno pa ang bibig naming dalawa ay sige pa rin kami sa pagkuha at pagsubo ng iba't ibang klase nang street foods na gusto namin.
"Mindy try this" tinapat ni Enoch ang isang kwek kwek sa bibig ko.
"Huh?" Sinenyasan nya akong ngumanga. Napailing naman ako sakanya, senyales na ayoko. Kanina ko pa kasi nahahalata yung nagtitinda na panay ang ngiti nito habang nakatingin samin. Parang alam ko na ang iniisip ni manong.
Akmang kukunin ko sakanya yung stick pero nilayo nya ito at pinigilan ang kamay ko sa pagkuha.
Umiling ito at tinapat nanaman sakin yung kwek kwek "ah" at binuka pa nito ang bibig at sinasabing gayahin ko sya.
Bakit ba kasi kailangan pa nya akong subuan? Umiwas ako nang tingin at tsaka ko isinubo yung kwek kwek para matapos na.
Ngumiti naman sya. Yung ngiting nakakapagpafall. "Masarap di ba?"
"Ah oo" naiilang na sagot ko. Sana lang walang makakita saamin na galing sa school. Panigurado kasing kami ang magiging headline sa school pagnagkataon madadagdagan nanaman ang maiinis sakin kahit wala naman akong atraso sakanila.
Si Enoch kasi ang pinaka'heartthrob namin sa school.
Maya't maya may inabot sya saaking bottled water na syang tinanggap ko kaagad, nauuhaw na kasi ako.
Pagkatapos kong uminom bigla nalang kinuha sakin ni Enoch ang bottled water at uminom din sya doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Inangat ko ang kamay ko para sana pigilan sya pero huli na.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya. Bumaling sya saakin at ngumiti nang pagkatamis tamis pagkatapos nitong uminom . "Ang sarap nang tubig, sorry iinom ka pa ba?, naubos ko na"
Napatingin ako sa bottled water at wala na nga itong laman. Umiling naman ako sakanya bilang pagtugon.
"Naku mga kabataan nga naman, masyado kayong sweet naiinggit tuloy ako" nabaling ang attensyon namin sa nagtitinda.
Teka, ano daw?
"H-hi--" akmang sasabihin kung hindi kami magkasintahan ni Enoch nang maunahan nya ako sa pagsagot.
"Hindi ko pa po sya girlfriend, manong" nakangiti nitong tugon na syang kinabigla ko.
Pa? Anong ibig nyang sabihin?
"Naku e kebagal bagal mo naman pala hijo, baka mamaya nyan maunahan ka pa, ang ganda pa naman nang kasama mo"
Natawa nang mahina si Enoch at bigla nya akong inakbayan. "Bagay po ba kami?" Tanong ni Enoch.
Siniko ko sya nang mahina. "Ui ano bang pinagsasabi mo?" Pabulong kong tanong na syang tinugon lang nya nang ngiti at pagpisil sa ilong ko.
"Naku tinanong pa ba yan? " nakangiting nagthumbs up si manong "bagay na bagay kayong dalawa"
Napangiwi ako dahil sa pinag'uusapan nila. Dapat ko bang sabihin na may asawa na ako? Napahawak ako sa wedding ring namin ni Devin na syang ginawa kong pendant sa kwentas ko.
At sa sandaling yun, bumalik ang mga nakita ko kanina sa isipan ko. Sa labas nang cafe at sa kotse.
Napabalik ako sa huwisyo nang sinundot ni Enoch ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman na inalis na nito ang braso nya sa balikat ko at nakaharap na sya saakin.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.