Nagising ako dahil sa katok sa may pinto ng kwarto ko.
"Mindy anak, bumangon ka na diyan at kakain na tayo." Sabi ni nanay.
"Opo 'Nay." Sagot ko.
"Dahan-dahan sa pagkilos." Paalala pa nito. Napangiti nalang ako dahil 'yan lagi ang bilin niya sa tuwing kikilos ako.
Pinusod ko lang ang buhok ko at lumabas na ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang higaan ko.
Nadatnan kong nakaupo na sila sa harap ng hapagkainan kaya umupo na rin ako.
"Oh, ipinagtimpla kita ng gatas. Kailangan mo 'yan." Sabi ni nanay sabay abot sakin ng isang basong gatas na tinanggap ko naman bago nagpasalamat.
Masaya ako dahil kasama ko na ang pamilya ko pero hindi ko maiwasang madismaya. Sayang dahil dalawang buwan nalang sana ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral. Pero hindi ako naghinayang na umalis ako at umuwi dito sa probinsya. Dahil wala akong lugar doon at dito ako nabibilang sa piling ng mga taong tunay na nagmamahal sa'kin. Ang aking pamilya. Ang aking simpleng pamumuhay dito sa probinsya namin.
"Kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa'min ng nanay mo." Bilin ni tatay.
"Opo 'tay." Sa totoo lang marami akong gustong kainin pero nagpipigil lang ako, ayoko kasing abalahin pa sila. Gusto kong ako na ang bumili sa palengke pero ayaw naman nila akong payagan at baka mapano daw ako e maselan pa naman ang kondisyon ko.
Pagkatapos naming kumain ay nag-alok akong ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin pero sermon ang inabot ko kay Nanay kaya napagpasyahan ko nalang na maglakad lakad hanggang sa mapadpad ako sa silong ng puno ng mangga. Umupo ako sa upuang gawa sa kawayan na sa silong ng puno.
Huminga ako ng malalim. Ang presko talaga ng hangin dito sa probinsya, hindi kagaya sa lungsod na mausok.
It's been three months since then.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang puting kwarto na ako. May nagmagandang loob na itakbo ako sa hospital ng mahimatay ako sa gilid ng kalsada.
Nanatili ako ng dalawang araw sa hospital hanggang sa napagdesisyunan kong umuwi ng probinsya. Sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki.
Wala naman na kasing dahilan para bumalik pa ako sa mansyon ng mga Wechsler. Wala akong karapatang bumalik at manirahan pa doon. Wala akong karapantang manatili sa tabi niya.
Napangiti ako ng mapait habang nakatingala sa mga dahon at bunga ng puno ng mangga.
Hindi ko na nakuha ang mga naiwang gamit ko doon, umuwi ako ng probinsya na tanging isang sling bag lang ang dala. Kung ano ang suot ko noong nanood kami ng basketball game ay iyon din ang suot ko pagkauwi. Itinapon na siguro nila ang mga gamit ko.
Mula noon ay wala na akong balita tungkol sakanila. Itinapon ko kasi sa may bus terminal ang sim card ko at ang kapatid ko na ang gumagamit ng cellphone ko. I cuted all the strings that I have connected with them, dahil gusto kong magsimula ulit.
Nanghihinayamg lang ako dahil hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Siguradong minumura na ako nina Barry at Sadie.
Ilang minuto rin akong nagtagal sa lilim ng puno ng mangga bago ko napagdesisyunang umuwi na.
Nadatnan kong naglilinis sa may kusina ng bahay si nanay. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko, kung sana... kung sana lang...
Marami akong paghihinayang, lalo na sa pag-aaral ko. Hindi na kasi ito natapos dahil umuwi ako dito sa probinsya. Tatlong buwan na ang nakalipas siguradong magtatapos na ang mga batchmates ko ngayong buwan na ito. Napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.