Chapter 6

171K 2.8K 394
                                    

Mag sasampung minuto na ata akong nakatayo sa harap nang kwarto ni Devin. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi? O kaya'y kung ano ang dapat kong sabihin sakanya pagpasok ko sa kwarto niya.

Sa nakalipas kasi na tatlong taon sa tuwing dumadalaw ang Don ay literal na dalaw lang,  yung dito lang sya sa bahay kakain nang dinner tapos didiretso na sya sa hotel para doon magpalipas nang magdamag tsaka ito byabyahe kinabukasan sa hacienda nila sa probinsya at doon mamamalagi nang isang linggo bago bumalik sa L.A.

Kaya nga yung ibang gamit ko lang ang inilipat ko sa kwarto ni Devin at inilock namin yung kwarto ko para hindi maghinala ang Don.

Pero iba ngayon.

Dito mismo ito sa bahay magpapalipas nang gabi. Wala rin itong balak bisitahin ang hacienda nila sa probinsya. Ibig sabihin mamamalagi ang Don nang isang linggo dito mismo sa bahay.

ISANG LINGGO. edi isang linggo rin ako sa kwarto ni Devin.

Kung tutuosin dapat akong matuwa dahil mas lalo akong mapapalapit sa kanya at ganon din sya saakin. Pero kasi... hindi ko alam kung papano ako makikitungo sa kanya ngayong magsasama kami sa iisang kwarto nang isang linggo. Nasanay na kasi akong lagi nya akong binabalewala. Kaya hindi nyo ako masisisi kung nagkakaganito ako.

Ano ka ba Mindy pagkakataon mo na ito.

Tama. Siguro sinadya ito para mas mapalapit ako sa asawa ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla nanaman akong naduwag.

Kung bakit ba kasi lumabas pa ako, nasa loob na kasi ako kanina, nakaupo ako sa may couch sa loob nang kwarto habang sya ay tutok sa laptop nito.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin habang nasa loob ako nang kwarto kanina. Pinagpapawisan kasi ako nang matindi, nanginginig din ang mga kamay at mga tuhod ko.  Na'tetense ako nang sobra.

Kaya nung nilingon nya ako at akmang may sasabihin sya ay bigla nalang akong napatayo at nagpaalam na pupuntang kusina para uminom nang tubig.

Pagkalabas ko kanina sa kwarto, sinabunutan ko agad ang sarili ko.

Ang sunga sunga kong mag'isip nang excuse. May sarili namang kasing personal ref si Devin sa kwarto nya kaya hindi ko na kailangang pumunta pa sa kusina.

Pero teka, tama pala dahil baka ayaw nyang pakialaman ko pati ang personal ref nya. Tama. Tama lang ang naisip kong palusot para kahit papano ay makalabas ako nang kwarto nya para ikondisyon ang sarili ko.

Hingang malamin.

Inhale...

Exhale...

Huuuu...

Inha--

"Oh hija what are you still doing outside your room?" hindi ko na natapos ang pag'inhale ko nang biglang magsalita ang Don mula sa likod ko sanhi para hindi ako makahinga dahil sa pagkabitin nang hininga ko.

Parang may sariling utak ang mga kamay ko na nagkusang buksan ang pinto nang kwarto, pero hindi ko pa ito tuluyang  nabubuksan nang kusa na itong buksan nang nasa loob nang kwarto.

Sanhi para matumba kaming dalawa. At saktong sa ibabaw mismo nya ako lumanding at ang matindi...

Lumanding ang labi ko sa labi nya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ito ang unang beses na nagkahalikan kaming dalawa at aksidente pa.

nung araw kasi nang kasal namin ay sa noo nya ako hinalikan.

Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya at ganon din sya sakin

Parehas kaming gulat sa nangyari at napako ang tingin namin sa isa't isa. Pero may kung ano sa mga mata ni Devin habang nakatitig sakin na hindi ko alam kung ano. I mentally shook my head at ako ang unang nagbawi ng tingin.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon