Hindi ako makagalaw.
Pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot.
Binalingan ko ng tingin ang pinanggalingan ng mga salitang yun.
Patuloy pa rin ito sa pagkain niya. Na parang wala lang sa kanya ang mga katagang binitawan niya. Na parang hindi siya nakasakit ng damdamin. It's like throwing some daggers to someone, like it's nothing kahit na maubusan ito nang dugo hanggang sa mamatay.
Sa nakalipas na tatlong taon naming pagsasama. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat ng mga sinabi niya saakin.
Annulment?
Bakit?
Bakit?
Bakit?
"Sit down, let's talk about it." Binaba niya ang mga hawak niyang kubyertos tsaka kinuha ang table napkin at pinunasan ang bibig niya bago niya ako tinignan sa mga mata. Nagkatinginan kami, hindi ko alam kong anibg klaseng emosyon ang pinapakita ng aking mga mata dahil agad siyang umiwas ng tingin bago tumikhim. All i know is that, i feel numbed and empty.
Tila may sariling pag-iisip ang aking mga paa at kusang lumapit sa upuan para maka-upo ako.
O baka naman naramdaman ng paa ko na ano mang oras ay bibigay na ako kaya kusa na itong gumalaw papalapit sa upuan.
Hindi ako umimik. O sadyang hindi ako makaimik dahil sa gulat at sakit.
Gusto kong maiyak.
Gusto kong tumakbo papanik sa kwarto ko at doon magkulong at umiyak hanggang sa humupa ang sakit na nararamdaman ko.
"Let's put an end on this. Listen, I don't want to caged my self from this loveless marriage".
Loveless marriage?
Oo nga pala ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa.
One sided love lang pala ang lahat nang ito.
Damn.
Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal.
Hindi ako umimik, hinihintay ang mga salitang bibitiwan pa niya. Iyong mga salitang siguradong mag-iiwan ng malalim na sugat sa puso ko. I feel stupid.
"Don't worry about lolo, in the right time, i'll make him understand. I'll be the one who's going to talk to him about this." Inilapag niya sa harap ko ang envelop na hindi ko man lang napansin kanina. "Just sign this and this loveless marriage will end, then your free to do whatever you want."
Napatungo ako nang dahil sa nakatakas na isang butil ng luha sa mga mata ko.
Ang sakit.
Huminga ako ng malalim tsaka ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Wala ba akong puwang sa puso mo, kahit konti lang? Hindi mo ba ako kayang mahalin? Ano ba ako sayo?" Pilit kong hindi mautal habang nagsasalita at nagpapasalamat ako dahil nagawa ko. Asking somwone who love who are you to them, makes me little.
Hindi ko alam na kaya ko palang tanungin sa kanya ang mga iyon. Dahil sa nakalipas na mga taon takot akong magtanong sakanya, dahil paniguradong hindi aayon sakin ang sagot niya. Pero ngayon, alam kong hindi aayon sakin ang sagot niya, it's obvious. But somehow taking the risked makes my mind won't ask me whatever 'as ifs'.
"No, Inever love you. And i will never be in love with you." Aniya na siyang lalong nagpasikip ng damdamin ko, "and for me you are just the freak girl who ruined my life. Just give me the papers after you sign it." Malamig niyang tugon tsaka tumayo.
Just the freak girl who ruined his life?
Natuod ako sa kinauupuan ko. Nang mapansin kong papalabas na siya sa kusina, Dali-dali akong tumayo at hinabol siya.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomansaThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.