Kagat kagat ko ang aking ibabang labi habang nakasakay sa kotse nang asawa ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may nagawa akong kasalanan sa kanya, in fact wala naman talaga.
Sumulyap ako sa kanya sa driver's seat. Tutok na tutok lang sya sa pagmamaneho papasok sa village namin. Napaiwas ako nang tingin nang bigla syang sumulyap saakin.
"Aren't you going to answer my question?" Tanong nito at tinuon ulit ang attensyon sa pagmamaneho.
Napalunok ako. Feeling ko kasi parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. "A-ano ba yung tanong mo?"
Napapikit at napakapit ako nang mahigpit sa seat belt nang bigla nalang nyang ihinto ang kotse sa gilid nang kalsada tsaka ito tumingin sakin nang seryoso.
Bakit ba ako kinakabahan? Pisti. Wala naman akong ginawang masama, sya nga itong...
Sa mga sandaling yun, nawala ang kaba ko. Sinalubong ko nang tingin ang mga mata nya na sa tatlong taon naming pagsasama, ngayon ko lang ginawa. Palagi kasi akong yumuyuko o kaya ay umiiwas nang tingin sa tuwing tumitingin sya saakin.
"I'm asking you who's with you a while ago?" Tanong nito ulit.
Walang mababakas na kung anong emosyon sa mukha ko habang nakatingin sa kanya. "Ikaw, sinong kasama mo kanina?" Deretso sa mata kong balik tanong sakanya.
Bigla itong napaiwas nang tingin.
Please Devin, don't lie to me.
Don't lie please.
Don't lie.
Panalangin ko habang naghihintay nang sagot nya.
Mas masakit kasi kung magsisinungaling sya, lalo na kung alam mo mismo ang sagot sa tanong mo.
Napansin kong napalunok ito. "I'm with A-aero, we talk about our upcoming project".
My heart fell.
"Ganun ba" tugon ko nalang tsaka tumingin sa labas nang bintana.
Pina'andar na nya muli ang kotse.
Biglang tumulo ang mga luha ko. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
Bakit ba kailangan pa nyang magsinungaling?
Para ano? Para paasahin ako?
"We're here" anito.
Hindi ko man lang napansin na nakauwi na pala kami. Agad akong lumabas nang koste at pumasok sa loob nang bahay. Agad din akong nagpunas nang luha.
Bitbit ang aking bag, pumanhik agad ako sa taas. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang kwarto ko nang magsalita si Devin mula sa likod ko. Hindi ko man lang namalayan na nakasunod pala sya kaagad saakin.
"As long as I remember, that's not our room".
"Ahm, may kukunin lang ako sa loob saglit". Pagdadahilan ko. Pero sa totoo lang dito ko gustong matulog. Scratch it. Dito ko gustong magpalipas nang gabi habang umiiyak.
"I'll wait for you in our room then".
Hindi ko na sya kinibo, tuluyan ko nang binuksan yung pinto at agad pumasok. Pagkasarang pagkasara ko nang pinto, agad nanamang tumulo ang mga luha ko.
Inis ko itong pinunasan. Bakit ba kasi napakaiyakin ko?
PAGKAPASOK ko sa kwarto naming dalawa, hindi ko nadatnan doon si Devin kaya nakahinga ako nang maluwag.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang biglang may yumakap sakin mula sa likod tsaka ako hinalikan sa pisngi. Amoy na amoy ko ang sabon nyang amoy mint pati na rin ang mouth wash nya na mint din ang flavor.
Agad akong napalingon, at bumungad saakin ang nakakaakit na ngiti nang asawa ko tsaka nya ako ulit hinalikan pero hindi na sa pisngi, this time sa tukli naman nang ilong ko.
Nakakapanibago ang bigla bigla nyang pagiging sweet ngayon, dahil nung mga nakaraang araw lang ay hindi ako nito pinapansin, lagi ring late na ito umuuwi. Tapos ngayon makikita kong magkasama sila nang first love nya.
Ano ba talaga Devin? Ako ba o sya?
Pinapaasa mo lang ba ako?
"Bakit ganyan ka makatingin, wife? Do you think your eyes is tricking at you now? Believe it, your husband is damn handsome" sabay tawa nito. Hindi ko na kasi namalayang nakatitig na pala ako sakanya.
Napangiti ako at kinurot sya sa tagiliran. "Oo na gwapo ka na".
"Tsss, you sound like you didn't mean it" nagtatampong saad nito at tumulis pa ang nguso nito. Parang bata.
Tuluyan akong humarap sakanya tsaka ko sya hinawakan sa magkabilaan nyang pisngi. "Ikaw ang pinakagwapo para sakin". Alo ko sakanya.
Hinawakan din nya ang magkabilang pisngi ko at pinatitigan ako. "You're beautiful wife, for me you are the most beautiful woman that I've ever seen". Anito sabay yakap sakin.
I hug him back. Napangiti ako nang mapait dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi nya.
Ewan ko ba, dapat matuwa ako pero bakit parang mas gusto kong umiyak.
Ako rin ba ang babaeng mahal mo?
Sa mga sandaling ito, marami akong gustong itanong pero pinanghihinaan ako nang loob dahil alam kong napakalapit nya sakin pero pakiramdam ko hindi ko pa rin sya maabot.
Devin will always be that unreachable dream of mine.
MAKATAYO AKO ngayon sa tabi nang counter dito sa cafe.comm. Nagpaalam kasi sakin si Devin na hindi sya makakauwi ngayong gabi dahil marami silang pag-uusapan ni Aero tungkol sa trabaho kaya naisipan kong pumasok sa trabaho, marami rami na rin kasi akong absent buti nalang mabait ang may-ari nang cafe, na kahit na marami na akong absent ay hindi pa rin ako nito tinatanggal sa trabaho.
"Ate Mindy" pukaw ni Hyerylle na syang nasa counter sa attensyon ko.
Agad naman akong napatingin sakanya.
"Gusto mo nang raket?" Nakangiting tanong nito.
"Raket?" Takang tanong ko.
Tumango tango ito "madali lang naman ate e, mag'cacater lang tayo sa isang hotel, may gaganapin kasing social gathering, nang alam mo na, mga mayayaman, kulang kasi kami nang isang tao baka kako gusto mo"
Napaisip ako, sayang din naman ang kikitain ko, maglalagay ka lang naman nang mga pagkain sa plato nang mga bisita. Madali lang naman yun tsaka isa pa kaya ko namang tumayo nang matagal.
"Hindi ako sigurado e, pero kailan ba yan?"
"Bukas nang gabi ate, saktong alas otso mag'uumpisa yung event. Ganito nalang ate, i'text mo nalang ako kung interesado ka, ikaw din sayang din yun, sarado naman itong shop bukas e may pupuntahan ata si boss" anito.
Tumango ako "sige i'tetext nalang kita".
Napahinto kami sa pag'uusap ni Hyerylle nang may pumasok na costumer, at laking gulat ko nang mapagsino ito.
Naramdaman kong biglang nanikip ang dibdib ko.
Anong ginagawa nya dito? Di ba dapat...
"Wife, I can't go home tonight, Aero and I will talk a lot of things about our upcoming project, dapat mafinalize na namin ang concept nang project within this week"
Hindi ko namalayang kusa nang lumapit ang mga paa ko papunta sa kinaruruonan nang bagong dating.
Ngumiti ito pagkakita saakin "hi, long time no see, matagal na kitang hindi nakikita dito a, sya nga pala pakisabi naman kay Devin na kailangan na naming mafinalize yung concept namin para sa upcoming project namin, magdadalawang linggo nang hindi nagpaparamdam sakin ang mokong na yun." Sabi ni Aero.
I felt my heart broke. Again.
Bakit ba nagsisinungaling ang isang tao? What are the possible pros para magawa nyang magsinungaling saakin?
.∞.∞.∞.
ms. akino
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.