Hindi ako mapakali sa trabaho. Lagi akong tulala kaya hindi ko na naaasikaso ang mga ilang pumapasok na kustomer sa cafe. Ilang beses na rin akong sinita nang boss namin. Nagtataka na rin si Hyeirylle dahil bigla bigla nalang akong nagkaganito.
Hanggang sa pag'uwi ko nang bahay galing sa trabaho, hindi ko maiwasang isipin kung sino ngayon ang kasama nang asawa ko.
Napapikit ako nang mariin nang dumaan sa isipan ko ang nangyari sa nakalipas na araw.
Is he with her?
I shrugged off my thoughts.
Ayokong isipin na magkasama nanaman sila ngayon. Pero hindi ko maiwasang isipin na pwedeng sa mga sandaling ito ay nasa piling sya nang iba, na sa mga sandaling ito ay nandoon sya sa taong totoong mahal nya.
NAGISING ako nang may naramdaman akong humahalik sa noo, ilong at magkabilang pisngi ko. Pagmulat ko bumungad sakin ang nakangiting gwapong mukha nang asawa ko. Gumanti ako nang ngiti sakanya, tsaka ako nag'inat.
"How's your sleep, wife?" Tanong nito sabay halik sa aking mga labi.
Napansin kong basa pa ang buhok nya, halatang kakaligo lang nya, nasanay na rin ako na ganito ang paraan nya nang paggising sakin, ang pagpapak nang halik sa buong mukha ko.
"Okay lang naman" sagot ko. Unti unti akong umupo, agad naman nya akong inalalayan. Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog nang maayos.
Napuno nang daing at tawa ang buong silid namin nang bigla nyang ikinulong sa kanyang palad ang aking mukha tsaka nya ako pinaulanan nang mga halik sa buong mukha. Napatigil lang sya nang kumalam ang sikmura ko.
He gave me a deep kiss before he let go of my face. Pagkatayo nito ako naman ang inalalayan nyang tumayo.
Hindi ako makakilos nang maayos sa kusina, pano naman kasi habang nagpriprito ako nang hotdog ay nakayakap ito mula sa likod ko. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag sinasalag nya gamit ang kanyang mga palad ang mga mumunting talsik nang mantika.
Masaya kaming nag'agahan. Nang makapagbihis na sya nang pang'opisina ako pa mismo ang pumili at nag'ayos nang necktie nya. Ilang yakap at halik muna ang dumaan bago ito sumakay sa kotse papunta sa trabaho.
"I'll be home before dinner" ani pa nito bago umalis.
Hindi ko na naitanong kung anong oras siyang nakauwi kagabi.
Nakatitig lang ako sa papalayong kotse nito. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan na ako. Ano ba talaga kami ni Devin?
Yeah, he's sweet to me but he never said that he love me.
Is he feeling guilty? kaya ba nagiging sweet na sya saakin para makabawi man lang sa mga pinaggagagawa nya?
I took a deep sigh then I close my eyes dramatically.
DALI DALI akong napatingin sa orasan pagkapasok ko sa bahay, nang makita kong meron pang tatlumpong minuto bago ang unang klase ko ay agad na akong naligo at nagbihis para makahabol pa ako sa eskwelahan.
I need to divert my thoughts.
"Himala ata at nanlibre ka, bakla" tudyo ni Sadie kay Barry. Himala kasing nanlibre bigla nang lunch si Barry. Kaya dapat sulitin.
Umirap ito. "Dapat maniwala ka nang may himala" anito.
Napangisi si Sadie. Napabuntong hininga na lang ako, alam ko na kasi kung saan papunta ang usapan nila. "Hindi rin, kasi kung may himala edi sana..." binitin nito ang sasabihin tsaka nito tinitigan si Barry nang may pang'aasar.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.