Chapter 14

182K 3.2K 450
                                    

Madaling araw pa lang ay gumayak na kami ni Hyeirylle. Alas-singko kasi ng umaga ang usapan na oras ng alis namin papunta sa isang private resort kung saan gaganapin ang birthday party nang isang mayamang negosyante.

Habang nasa biyahe, nakatulog ako habang nakasandal sa balikat ko ang ulo ni Hyeirylle. Napabuntong hininga na lang ako, malamang ay pagod ito sa iba pa nitong part time jobs.

Malayo layo ang lokasyon ng resort, nasa isang probinsya ito, pero hindi ko na natanong pa kung anong lugar. Pagkarating namin sa aming distinasyon, agad kaming pinakain sa staff house para makapagsimula na kami sa pag'aayos. Bukod kasi sa pagcacater ay tutulong na rin kami sa pag'aayos nang venue.

Pansin kong may mga mangilan-ngilan nang bisitang dumarating habang sumisikat ang araw. Isa kasi itong private resort at napakaganda nito.


Pwedeng mamasyal muna ang mga bisita habang nandito sila. May mga water activities din, rock climbing, zip line at iba pa. May resto bar din dito at covered swimming pool para sa mga ayaw magbabad sa initan.

Gusto ko mang subukan ang mga activities nila dito pero hindi pwede dahil nandito ako para magtrabaho at tsaka wala rin naman akong pera. May kamahalan kasi ang bayad. Tsaka na siguro pag mayaman na ako. Yun ay kung yayaman ako.



ISANG ORAS nalang ay magsisimula na ang birthday party. Napaka'engrande nang magkakaayos ng function hall ng resort. Walang tinipid sa mga dekorasyon. Lahat ata nang mga  pangarap kong pagkain ay nakahain sa buffet table kung nasaan kami.

Tulad nang dati, nakasuot kami nang parang chef hat at face mask. Nakasuot rin kami ng gloves.

Nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita. Karamihan ay mga businessmen at businesswomen galing dito sa bansa at ibang bansa at may mga politicians din kasama ng mga asawa nila. Makikita sa mga suot nila ang karangyaan. Siguro yung presyo nang suot nilang gown ay katumbas ng sweldo ko ng anim o higit pang buwan sa cafe.comm.

Nagsimula at nagpatuloy ang party nang walang problema. Wala kaming inatupag kundi ang magserve nang pagkain hanggang sa naubusan na kami ng supply sa isang putahe kaya kailangan kong pumunta sa kusina at kumuha nang bagong luto.

Minamadali ko ang paglalakad sa hallway nang biglang may mabangga ako.

Agad akong yumuko at humingi nang paumanhin. "Pasensya na po." Akmang hahakbang na ako paalis nang magsalita ito.

"Excuse me miss, where's the rest room?"

Bigla akong natulos. I know that voice. Panong... anong ginagawa nito dito? Napakagat ako sa aking ibabang labi. Silly me. Malamang nandito ito, dahil isa ito sa mga kilalang negosyante sa bansa at ibang bansa.

Hindi ako nag'angat nang tingin nanatili akong nakayuko, mahirap na baka makilala nya ako. Yun ang dapat kong iwasang mangyari.

Tumikhim ako at pilit pinalalim ang boses ko. "A-ahm diretso lang po sir tapos kumaliwa po kayo, makikita nyo na ang signage nang rest room". Sagot ko tsaka ako sumibat.


Mula nang malaman kong nandito rin sya hindi ko na sya nilubayan nang tingin.

Muka itong stress at kulang sa tulog. Babad nanaman siguro ito sa trabaho. May maliliit na ring tumubong bigote at balbas sa kanya. Pero kahit ganun hindi nabawasan ang angkin nitong kagwapuhan nito.


Hindi na ako nabigla nang biglang sumulpot sa tabi nya si Astrid.

Masakit man na makitang magkasama sila pero ang kailangan ko nalang gawin ay ang tanggapin ang katotohanan na hindi kami para sa isa't isa. Kailangan ko na sigurong makalimot. Hindi ang limutin sya kundi limutin ang nararamdaman ko para sa kanya.




Madaling araw na nang matapos ang party. Hindi ako makatulog dahil medyo kumikirot ang mga binti ko, ilang oras din kasi kaming nakatayo.

Napagpasyahan kong umupo sa tabing dagat tsaka ko pinagmasdan ang kumikinang na dagat dahil sa sinag na nanggagaling sa buwan.

Pagkalipas nang isang oras, pinakiramdaman ko ang aking mga binti, medyo hindi na ito masakit kaya tumayo na ako para bumalik sa kwarto namin ni Hyeirylle sa staff house.


Nadaanan ko ang resto bar nang resort, papaliko na sana ako nang bigla akong natigilan sa mga narinig ko.


"Damn it Dev, stop it already will you! She's gone! She already leave you, let her be!" Sigaw nang boses nang isang babae.


Hindi ko napigilan ang sarili kong wag sumilip. Pagsilip ko mula sa isang sulok, napa'takip ako nang bibig nang makita ko kung anong nangyayari.

Nasisinagan sila nang ilaw na galing sa isang street light kaya kitang kita ko sila.

Devin and Astrid.

"No, she can't leave me like this Ash, I won't let her. I just can't" nakayukong ani ni Devin, maya maya'y tumataas baba na ang mga balikat nito. Napaupo na rin ito sa gilid.


Agad namang umupo sa tabi nito ang babae. "Dev..." nag'aalalang turan nito.

"Just leave me alone Ash, I want to be alone." Mahinang turan ni Devin habang tumatayo at pinupunasan ang mga luha nito.

Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?

"You know I can't Dev, you're there when I needed you, so I'm just here for you. As your best friend." Then she hug him while tapping his back.

My world literally stop.

Suddenly my tears voluntarily flows down to my cheeks.

Best friend?

He hugged her back. "Thanks Ash, but I badly want to be alone right now. I'm sorry."

"Fine, I'll let you. Unwind okay? We went here not for the party but for you to unwind".

Nanatili akong nakatulala sa gilid habang nakasandal sa pader. Hindi ma'absorb ng utak ko ang nangyayari ngayon.

So... they're  best friends?

Hindi totoong may relasyon silang dalawa?

Hindi totoong first love ni Devin si Astrid?

Napasabunot ako sa aking buhok. Urgh! Gulong gulo na ako.


Pagsilip ko ulit sa kanila, nataranta ako nang makitang wala nang tao doon. Nasaan na sila?


Naglibot libot ako hanggang sa dalhin ako nang mga paa ako sa tabi nang dagat. Tanaw ko ang isang bulto nang isang lalaki na unti unting naglalakad sa malalim na parte nang dagat. Nasa dibdib na nito ang level nang tubig dagat.


Napasinghap ako. I know that body built hindi ako pwedeng magkamali.

Agad akong tumakbo palapit sa dagat at agad akong lumusong.

"Devin! Devin!..." paulit ulit kong sinagaw ang pangalan nito pero parang wala itong naririnig.

Damn it, ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya.

Mas bilisan ko pa ang pag'galaw hanggang sa wakas ay naabutan ko na ito.

Agad kong hinawakan ang kaliwang balikat nito at hinatak paharap saakin.

"Ano ba?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ko rito.

Nananali lang syang nakatitig sakin, na parang kung pipikit o ibaling man lang niya sa iba ang tingin nya ay bigla akong mawawala sa harap nya na parang mga bula.




"Wife..." he said with full of longing.



.∞.∞.∞.

ms. akino

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon