Nakahiga na kami ngayon sa kama, actually magkayap kami dahil kung hindi ay konting galaw lang nang isa saamin ay mahuhulog ang isa.
"So, your school is the one whose going to decide for your practicum site?". Tanong nito.
"Ganun na nga." Sagot ko, kahit hindi naman kasi niya sabihin ay alam kong sa kompanya niya ako gustong mag-OJT.
Sa totoo lang ayokong magpracticum sa kompanya niya kung sakali, basta ayoko lang, para kasing ang awkward nang feeling nang nagtretraining ka mismo sa kompanya nang asawa mo. Nakakapressure.
Napasulyap ako sakanya nang hindi na ito umimik. Nakita kong nakapikit na ito, pagod siguro sa trabaho. Teka, so 'yun na 'yun? No violent reaction? Siguro okay lang sakanya na kahit saan ako magprapracticum. Mabuti naman kung ganun.
PINAPAPUNTA kaming mga estudyante sa may gymnasium ngayon.
"Ano nanamang kaechusan 'to nang school?" Naiiritang tanung ni Barry.
"May announcement daw." Bagot na sagot ni Sadie.
Biglang may hinarang na isang estudyante si Barry na papunta rin sa gym. Tantsa ko sophomore ito base sa kulay nang collar nito. Iba iba kasi ang kulay nang mga collar namin, depende sa kung ano ang year level namin.
"Teh, anong ganap ngayon sa gym at pinapapunta tayo doon?" Tanong ni Barry doon sa sophomore.
"May announcement daw po, kuya." Magalang na sagot noong isa.
Napapikit si Barry at parang nagpipigil. Natawa ako. Alam ko kasi kung bakit. "Umalis ka na nga at baka matiris pa kita pag hindi ako nakapagpigil." Agad namang naglakad samin palayo yung estudyante nagtataka kung may nagawa ba siyang mali.
Natawa kami ni Sadie. "Yan kasi ang napapala mo, nagtanong ka pa sa iba e parehas din naman ang sagot namin. Na 'kuya' ka tuloy. Sige una na kami KUYA." Asar ni Sadie tsaka ako nito hinila papalayo kay Barry.
Pagdating namin sa gym ay halos puno na ito. Kaya nakiusap nalang kaming dalawa ni Sadie na kung pwedeng umusod ang isang grupo nang mga freshmen para magkasya kaming dalawa ni Sadie sa isang bench sa bandang gitna.
"Teka 'pano si Barry?" Tanong ko.
"Hayaan mo na 'yun, sana nga 'standing ovation' siya habang ginaganap ang program, hindi pa naman sila nagpapalabas hangga't hindi natatapos ang program." Sabay tawa nito.
Nagsasalita na ang President nang university nang biglang may nag-usod sakin nang basta basta kaya natulak ko si Sadie nang hindi sinasadya. Si Barry pala.
"Ano ba?!" Iritang sigaw ni Sadie. Agad naman akong humingi ng sorry. Pero diretso ang tingin ni Sadie sa katabi ko. Naramdaman niya ata ang 'awra' ni Barry sa tabi ko.
Pinandilatan ni Barry si Sadie. "Ano may reklamo ka? Kayo?". Tanong pa nito sa mga katabi naming mga freshmen.
"Tsss... baklang bakulaw." Bulong nalang ni Sadie sa kawalan para lang kahit papano ay makaganti man lang siya.
Pinagitnaan nila akong dalawa. Mas okay na 'yun dahil kung magkatabi sila baka hindi na program ang mangyari dito sa gym. Sabungan na.
"It's so hot in here naman." Paconyo ni Barry. Totoo naman kasing mainit dahil halos magkakadikit na ang mga braso namin kanina e ngayong sumingit pa si Barry, dikit dikit na talaga kami.
Hindi na namin narinig ang iba pang sinabi nang university president namin dahil panay ang reklamo nang isang katabi ko.
"And now student, I wanted you to make a round of applause to the son of the former owner of our university, the new owner of our school. Please welcome. Mr. Aero Griffith. Good morning sir."
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.