Araw ng linggo ngayon at abala ako sa paglilinis at pag'aayos ng mga gamit ko. Buti nalang at kokonti lang ang mga gamit ko kaya hindi na ako nahirapang maglipat.
Nandito ako sa isang maliit na paupahang kwarto. Maliit lang itong kwarto, sakto sa taong nag'iisa sa buhay, gaya ko. May maliit na kusina, CR, maliit na sala at maliit na kwarto na may pang'isahang kama at isang aparador. Okay lang naman kasi hindi rin ako lugi sa ibinayad ko sa renta.
Tagaktak na ang pawis ko pero hinayaan ko lang, sige na parin ako sa pagmamop. Minamadali ko na kasi ang paglilinis dahil malapit nang magtanghalian, kailangan ko pang mamalengke nang mga kakainin ko sa bago kong tinitirhan.
Mapabuga ako nang hangin nang sa wakas ay natapos rin ako. Nagpahinga ako sandali tsaka ako naligo at gumayak para mamalengke.
Habang namamalengke, bigla kong naalala si Nay Esther. Hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat sa kanya. Sya na kasi ang tumayong nanay ko. Nagleave kasi ito at umuwi sa probinsya nila sa bisayas kasama ang asawa nito dahil nagkaproblema yata sa lupa nila doon at kailangan nilang asikasuhin.
Mabuti nalang at may ipon ako kaya may panggastos ako sa pang'araw-araw ko pero kailangan ko ng makahanap nang part time job sa lalong madaling panahon. Nagresign na kasi ako sa cafe.comm, mabuting nang mag'ingat, dapat hindi nila malaman pa kung nasan ako. May posibilidad kasi na sabihin ni Aero sa kaibigan nya na doon ako nagtratrabaho kaya kahit ayoko ay umalis ako sa trabaho.
Bumili ako nang mga delata, noodles, cup noodles, mga sabon panglaba at iba pang kakailanganin ko.
Nagpadala na rin ako nang pera sa pamilya ko sa probinsya. Sila ang dahilan ko kung bakit kailangan kung bumangon at ipagpatuloy ang buhay.
Dahil sa pagod sa paglilinis at pamamalengke, nagpainit nalang ako nang tubig at kinain ang isang cup noodles na binili ko.
DALAWANG LINGGO na nang umalis ako sa bahay at pati na rin sa buhay nila. Naging normal ang aking pamumuhay, pagkagising ko sa umaga gumagayak na ako papunta sa eskwela, hindi na ako nagluluto nang agahan dahil sa cafeteria na mismo nang aming unibersidad ako kumakain nang agahan. Pagsapit nang uwian ay naghahanap ako nang part time job, pati tuwing week end ay yun ang ginagawa ko. Wala pa kasi akong nahahanap na trabaho, yung mga iba walang bakante at yung iba naman ay full time ang hanap nila.
Nakahiga ako sa upuan na pahaba na gawa sa kawayan dito sa maliit kong sala nang tumawag si Hyeirylle.
"Hello, ate Mindy? Gusto mo ba nang raket?" Tanong agad nito pagkasagot ko sa tawag.
Bigla akong natulos. May bigla kasi akong naalala na gusto ko nang kalimutan habang buhay.
Bigla akong kinabahan sa tanong nya. Ito rin kasi ang tanong nya noong...
"Hello ate, nandyan ka pa ba?"
"Ah o-oo. Pasensya na may naalala lang kasi ako bigla."
"Asus yung ex mo nu?" Panunudyo nito.
Hindi ko pinansin ang tanong nya. "Ano bang sasabihin mo, at napatawag ka?". Tanong ko para maiba ang usapan.
"Ateee namimiss na kita, wala akong kakwentuhan sa cafe.comm" malambing na saad nito. Napangiti ako dahil sa sinabi nya. "Ang daya mo kasi e may paresign- resign ka pang nalalaman. Ay oo nga pala ate, gusto mo ba ng raket?"
"Ano bang raket yan?" Tanong ko kailangang kailangan ko kasi nang pagkakakitaan.
Napag'usapan naming magkita kinabukasan. Gusto raw kasi ako nitong makita tsaka nito sasabihin ang sinasabi nitong raket.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.
