Wala akong ibang ginawa dito sa opisina ni Devin, kung 'di ang magbasa nang mga magazine na siya ang featured at kumain.
Ilang beses na kasi itong nagpadeliver nang pagkain, para daw hindi ako nagutom.
Nagbabasa ako nang isang interview niya sa isang sikat na business magazine habang kumakain nang mansanas na nahati-hati na nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa may bulsa.
From: Enoch
Hi Mindy, I just wanted you to invite you this coming Saturday to watch our match. 9 am. Sana makapunta ka. Hindi na kasi kita maiinvite nang personal dahil sa Monday na ang start nang internship. You can bring your friends with you. Thank you in advance.
Sa sabado? Wala naman akong pupuntahan sa sabado kaya bakit hindi. May pasok naman si Devin nang sabado kaya okay lang na lumabas ako.
To: Enoch
Sige pupunta kami. Ichecheer namin kayo.
From: Enoch
Salamat. Sigurado nang kami ang mananalo pag pumunta kayo.
Napangiti nalang ako sa nabasa kong reply niya. Hindi ko na siya nareplayan dahil biglang gumawa nang ingay si Devin.
Napabaling ako nang tingin sakanya nang bigla siyang mag-unat nang kamay. Nangalay na siguro siya. Kanina pa kasi ito nakatutok sa computer. Kanina pa siya may sinusulat.
"Arghh." He groaned.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa likod niya at minasahi ang balikat nito.
"Pagod ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi man lang kasi ito nagpahingi pagtakapos naming kumain. Malapit nang mag alas-singko nang hapon.
"Nah, I would never feel tired. Specially when you're here, wife. Kiss." Ngumuso ito para humingi nang halik.
Agad naman akong yumukod mula sa likod para halikan siya ng mabilis.
"I feel fully charged again." Bola pa nito.
Napatingin ako sa screen nang desk top niya. "Tungkol saan ba yan?"
"It's a business proposal for our new project." Sagot naman nito. Tumango-tango nalang ako. "We're thinking of building a toy industry."
"That's a nice idea." Komento ko.
"You think so? May mga ilang board members kasi na against sa pagpapatayo nang toy industry."
"Bakit naman, e malaki nga ang kikitain nang kompanya pag nagkataon dahil maraming bata ngayon kaya in demand ang mga laruan ngayon lalo na tuwing Christmas season. Pero marami nang kompanya ang nagmamanufacture nang mga laruan ngayon but I'm sure sa kompanya kukuha ang mga supplier dahil na rin sa pangalan nang kompanya at dahil na rin sa kalidad nito." Explain ko.
Kinuha nito ang kamay ko mula sa balikat niya at iginaya ako sa gilid niya tsaka ako pinaupo sa kandungan niya.
"You have a point. Our company's name itself has a big impact in the suppliers. We just have to make sure that the raw materials in making toys is safe for the children and appropriate per age."
Tumango-tango ako. "Sa kompanya sila kukuha dahil maganda ang reputasyon nang kompanya, makakasigurado sila sa kalidad nang mga produkto."
"I'm so blessed to have you as my wife. You should accompany me in the board meeting next saturday."
Saturday? Patay pano na yung game nina Enoch sa sabado? Nasabi ko nang pupunta kami. Nakakahiya naman kung hindi kami sumipot.
"Kailangan ba ako doon?"
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)
RomanceThe most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything.