Ang 'yong mga mata,
Nakangiti sila't nakikita,
Na ika'y tunay na masaya.Sa kabilang banda,
Ako'y nagluluksa,
Dahil sa sakit na nadarama.Ngunit para kang gamot,
Na isang ngiti mo lang ang sagot,
Ngunit nangingibabaw pa din ang aking takot.Takot na baka sa isang iglap, para sakaniya na ang 'yong ngiti,
Takot na baka, ang ngiting iyon ang dahilan ng aking pighati,
At takot dahil ang iyong ngiti ay 'di na kailanman sakin, bumati.Ang 'yong mga mata na kailanman 'di nakitaan ng kalungkutan,
Ang 'yong mga mata na sumisigaw ng inyong pagmamahalan,
Ang 'yong mga matang nagsasabing, ako'y hanggang kaibigan lamang.Oo, naisip ko na ding sumuko,
Pero 'di magawang bumitaw nitong puso,
At ang tanging nagagawa ay ang damdamin itong luhang tumutulo.Kailangan ko na bang maging masaya?
Dahil sabi mo ako'y kaibigan mo na,
O dapat ba akong mas magluksa, dahil hanggang do'n nalang talaga?Maraming salamat sa panandaliang samahan,
Na akala ko'y mauuwi sa pagmamahalan,
Ngunit huli na, ako lang pala at ang sarili ko ang nagmamahalan.Ang 'yong mga mata,
Na siya lamang ang tangi mong nakikita,
At hindi ang aking halaga.
