T A N G A Y I N

14 1 0
                                    

Noong una kitang nakita,
'Di ko man inakala,
Na ang puso ko sa'yo'y nahuhulog na
Ng walang pasabi't babala.

Sa'yong mga tingin,
Na alam kong 'di para sa'kin.
'Di mo man ako mapansin,
'Di mo din naman kayang pigilan damdamin.

Ang 'yong mga ngiti, giliw,
Ay 'di ko mapigilan, ito'y nakakabaliw,
At ang aking puso'y 'di magkamaliw,
Sa tibok nito, ako'y makikisaliw.

Habang ako'y makatingin,
Hininhiling sa mga bituin,
Na sana'y 'wag biguin,
Ang puso ko't damdamin.

Pinagmamasdan ang alon,
Alon ng dagat ba parang talon,
Talon na malalim tulad ng balon,
Balon na 'di mapansin sa habang panahon.

Ang simoy ng hangin,
At itong damdamin,
Sana ito nalang ay tangayin,
Dahil wala na itong pag-asang tanggapin.

Sa araw na ito,
Maligaya ang mga tao,
Ang pag salubong sa umaga'y masigabo,
Ngunit heto ako at ang aking pusong nagsusumamo.

poemsWhere stories live. Discover now