P A G H I H I N T A Y

5 0 0
                                    

Matagal na din ang huli,
Ngunit ito na muli,
Ang pagkakataon na para sa sarili,
Ang lumigaya't itama ang pagkakamali.

Naghintay na naman ako,
Sabi ko, "Walang susuko,"
Pero hindi na kaya ng talukap ko,
Ngunit, hindi, walang magpapatalo.

At heto na,
Naghihintay na naman sa wala,
Naghihintay na ikaw sagutin pa,
Naghihintay na sumagot ka.

Tinago 'tong nararamdaman,
Napawi na ang aking kalungkutan,
Nang ika'y sumagot na ng tuluyan,
At ako'y napakasaya sa'yong kasagutan.

Napakatagal kong naghintay,
Naghintay na tila ba ito'y buhay,
Buhay na walang kulay
Pero sa pagdating mo, ibinigay.

Para akong tanga,
Na naghihintay lang din sa wala,
Kaya ito, ako'y tuluyang susuko na,
Sa paghihintay sa'yo, sinta.

poemsWhere stories live. Discover now