K A M U S T A ?

14 0 0
                                    

Nangangamusta lang sana sa'yo,
Dahil may paki-alam din naman ako,
At alam ko din na ako'y nakakagulo,
Kahit isang sagot lang, ang araw ko'y nabubuo.

Sadya lang na nakapagtataka,
Dahil ayaw mong sa'yo'y may kumakamusta,
H'wag mo naman sana akong gawing tanga,
Na nag-aalala sa'yo, sinta.

Alam ko na wala naman akong karapatan,
Pero ano ba'ng magagawa ng aking nararamdaman?
Kung sakali mang umuwi ako ng luhaan,
Ayos lang, nakita ko na ayos ka lang naman.

Sa araw-araw,
Ako'y nakatanaw,
Nakatanaw at humihiling sa bituing matanglaw,
Walang iba kundi ikaw.

Sa oras na ako'y nangamusta,
Sana naman malaman mo na sinta,
Na hindi ka lang basta-basta,
Dahil ika'y napakahalaga.

H'wag mo sanang balewalain,
Itong aking damdamin,
Sana naman ako'y mapansin,
Matapos kitang kamustahin.

poemsWhere stories live. Discover now