G I Y E R A

57 1 0
                                        

Aking sarili'y ihahanda,
Pagkat ako'y susugod na,
Isang baril ang aking dala,
At sisiguraduhin kong ako ang 'yong panangga.

Ilang beses man akong matamaan,
Basta't ikaw ang aking ipinaglalaban,
Alam kong di ako tatablan,
Dahil para sa'yo ako'y patuloy na lalaban.

Sa giyerang ito,
Hindi ako susuko,
Para masalba ko ang 'yong puso,
Kahit na iba ang laman nito.

Ika'y sasabak rin sa giyera,
At ang ipinaglalaban ay siya,
Paano kung ako ang nawala,
Ako'y ipaglalaban mo din ba?

Kung 'di lang pag-ibig ang nakataya,
Matagal na akong sumuko, sinta,
Pero, hindi, ayokong ika'y mawala,
Di ko naman kakayanin, 'di ba?

Wala akong pakialam kung iba ang iyong pinoprotektahan,
Basta't makita kitang humihinga't may kamalayan,
Kung ang bala ay iisa na lamang,
Sino ang huli mong babawian?

Alam ko na ang tawag sa'king sarili,
Sa mga bayani ba'y maaari na akong sumali?
Kahit sobrang sakit na, ikaw pa rin ang aking iniintindi,
At hindi ko na magawang isipin ang aking sarili.

Martyr, yan ay kung pa'no ako tawagin,
Pero dahil ikaw yan, ito'y aking tatanggapin,
Kahit pa man ang buhay ko'y bawiin,
Ngunit bago mangyari 'yon, magawa mo sana akong mahalin.

Iisang bala,
Kanino naman itatama?
Kung nakapikit ang iyong mga mata,
At ang gatilyo'y dahan-dahan mong hinihila.

Putok ng baril ay nakabibingi,
At walang magawa dahil 'di maaari,
Na ito'y mapigilan, dahil ito na'ng huli,
Huling bala na sa buhay ng isang tao'y babawi.

Sa dibdib ko'y may bumaon,
Sa likod ko'y di ko kayang lumingon,
Dahil mula ngayon, ala-ala na lamang ang aking mababaon,
At sa mga damdamin ko'y sa dagat na lang, ipapa-alon.

Nagulat nalang ako,
Na nanggaling pa sa'yo,
Ang iisang bala ay ginamit mo,
Upang patayin ako, mismo.

Di mo lang alam, dati na akong patay,
Ngunit binigyan mo ng kulay,
Itong patapon kong buhay,
Ngunit di ka man lang nagpasabi, na pansamantala lang naman pala ang bigay mong kulay.

Ang pag-ibig ay giyera,
Patuloy na susugod, kahit sugatan na,
Lalaban at lalaban ako, sinta,
Kung ikaw ang nakataya.

poemsWhere stories live. Discover now