NOONG TAYO'Y BATA PA

10 0 0
                                        

Ma-iba taya,
Kung naiiba ka,
Aalis ka.

Nang ika'y maiba, ika'y tumakbo,
Nawala at nagtago,
Hindi alam kung sa'n mahahanap ang isang katulad mo.

Nang ika'y nasilayan,
Sobrang saya'y naramdaman,
Sapagkat ikaw, ikaw na naman.

Ikaw na naman ang taya,
Maghahabol pagkatapos iiwanan ka,
Pagkatapos ay iiyak ka pa.

Iiyak ka dahil sa pagkadapa,
Iiyak ka dahil sa sakit na nadama,
Iiyak ka dahil sa sugat na iyong nakuha.

Ngunit pagkatapos ng pag-iyak,
Ika'y ngi-ngiti at mapupuno ng galak,
Dahil alam mo sa sarili mo na ito'y gagaling, maging ginto man ang pilak.

Noong tayo'y bata pa,
Lahat ng bagay tila ba walang problema,
At lahat ng bagay ay laging masaya.

Simple lang ang pagtakbo,
Pero ngayong malaki ka na, alam mo na sa sarili mo,
Na ang pagtakbo ay tila ba'y pagsuko.

Simple lang ang maging taya,
Pero ngayong malaki ka na,
Mahirap nang ikaw nalang palagi ang nagmamakaawa.

Noong bata pa tayo,
Madali lang magtago,
Pero ngayon, mahirap nang malaman ang totoo.

Ngayon, tayo'y malaki na,
Tayo'y nasusugatan pa,
Kahit na hindi piniling tumakbo ng 'yong mga paa.

Nadadapa din tayo,
Kahit tayo'y lumalaki na't nagbabago,
Wala nga naman talagang pinipiling tao.

Na'ng tayo'y masugatan,
Akala mo madali lang maghilom at malunasan,
Pero hindi, iba na, hindi na tayo bata para hindi maramdaman.

Nakakatakot,
Masyado ka'ng umasang laging nagagamot,
Nagagamot ang mga sugat na siya lang ang sagot.

Oo, nagmamahal ka na kasi,
Wala ka namang ibang masisisi,
Kundi ang puso mong ngayo'y, sawi.

Hindi ka na bata,
Nagmamahal ka na,
At wala ka nang magagawa.

poemsWhere stories live. Discover now