T A G T U Y O T

3 0 0
                                    

Umiihip ang hangin,
Kasabay ng nag-aalab niyong damdamin,
Ang pagtuyo ng mga dahon,
Sa pagkalugmok kaya ikaw ri'y makakaahon?

Ang ganitong panahon,
Ay madalas maranasan sa mga lumipas na taon,
Pero bakit nga ba ako magsuaulat ng gan'to?
Kung alam ko lang naman na wala itong magandang maidudulot sa dulo?

Mga panahon ng pagkalagas,
Tuluyan ka na bang magkakalakas?
Magkakalakas ng loob para sa pagharap,
Pagharap ng wala siya sa'yong mga pangarap.

Tagtuyot,
Maari na bang malaman ang sagot?
Sagot sa napakadaming tanong kung kailan nga ba,
Kailan nga ba ako makakapag-umpisa?

poemsWhere stories live. Discover now