Pasensya na,
Dahil ako'y muling umasa,
Patawarin mo ako,
Dahil 'di pa ako sumusuko.
Pasensya dahil sa kulit,
Alam kong ito'y paulit-ulit,
Pero pasensya ka na,
Gusto lang talaga kasi kita.
Pagpasensyahan mo na itong nararamdaman,
Hindi ko kaya na ika'y nasasaktan,
Alam kong naririndi ka na,
Sa aking mga pagpapa-alala.
Alam kong wala naman akong karapatan,
Pero alam kong kaibigan ang 'yong kailangan,
Humihingi na sana ako ng pasensya,
Dahil simula ngayon, ako'y titigil na.
Tigil na sa pagpapakatanga,
Dahil alam ko na ayaw mo naman talaga,
Pagod na din naman ako,
At konti nalang baka ako'y sumuko.
Alam kong hindi mo naman ako pipigilan,
Hindi naman ako naging importante, kahit kailan,
Haha, buti alam ko 'di ba?
At ayan, malaya ka na.
Pasensya na,
At ako'y nagpakatanga,
Sa taong kagaya mo, na 'di magawang suklian,
Ang aking nararamdaman.
