Sa pag-ikot ng mundo,
Napapansin mo ba ang pag-ikot nito?
Dahil malaki ang mundong ginagalawan mo,
Marami ka'ng makikilang mga tao,
Mga tao na hindi inaasahang magpapasaya sa'yo.Magbago man lahat ng bagay,
Pati na rin ang ating buhay,
Hindi pa din mawawalan ng saysay,
Itong aking buhay,
Na tanging ikaw lang ang nagbibigay kulay.Sa bawat ikot ng mundo,
Ikaw lang ang gusto ko,
Ikaw, na tanging isinisigaw nitong puso,
Ikaw na gusto kong makasama habang-buhay sa mundong ito,
Hinding-hindi ko din magagawang sumuko.Magbago man ang ikot ng mundo,
Ikaw pa din ang gusto ko,
Walang magbabago,
Walang pagbabago,
Kahit man walang tayo.Magbago man ang ikot ng mundo,
Hindi ko magagawang sumuko,
Walang dahilan para tumigil sa pagtibok itong puso,
Dahil magbago man ang mundo,
Ikaw pa rin ang pipiliing isigaw nito.Magbago man ang takbo ng oras,
Pumuti man ang aking buhok at malagas,
Malugmok man ako dahil sa mga dinanas,
Iyong ngiti lamang ang hiling ko at ang katumbas,
Katumbas nito ang pagkasaya ko ng wagas.Dahil sa pag-ikot ng mundo,
Nakilala kita't tayo'y nagkatagpo,
Kahit pa man hindi tayo pinagtagpo,
Ngunit kahit pa man magbago ang mundo, ang pag-ikot at pagtakbo,
Ikaw pa din ang gugustuhing makita at isigaw nitong puso at kailan ma'y 'di magbabago.