Sa unang tingin,
Aakalain mo nalang din,
Ang 'yong sarili'y paniniwalain,
Paniniwalain na sana, sana ganyan nalang din.Pero bakit hanggang 'sana' nalang ang lahat?
Bakit hindi mo mapatunayan na ito ay dapat?
Dapat mo nang ipagtapat,
Ipagtapat ang mga nararamdaman at ito rin naman ay nararapat.Sa litratong ito,
Masaya ang ngiti mo,
Hindi ko lang alam kung bakit tila ba nagbago,
Ang ngiting iyon, bakit tila ba naglaho?Nakangiti ka't masaya,
Wala kang iniisip na iba,
Kundi ang pagmamahal na aking pinapadama,
Na hindi tila ba pinagdududahan mo no'ng una.Minsan kailangan mo lang talagang maniwala,
Maniwala na gusto kita,
Wala ka bang tiwala sa'kin sinta?
Na halos lahat na ibigay ko pero wala ka pa ding madama?Sa litrato ng dalawang taong nakangiti,
Tila wala na akong ibang gusto kundi ang 'yong bati,
Pero tila ba ang 'yong ngiti'y nahahati,
Nahahati sa pagkasaya at pagtitimpi.Salamat sa ngiti ng 'yong binigay,
Sa 'yong ngiti lang ata ako nabubuhay,
Nakakamais mang pakinggan, ito'y tunay,
Sa litratong puti't itim, ikaw lamang ang nagbibigay kulay.
