K A B A

6 0 0
                                    

Sa t'wing ika'y papalapit na,
Hindi mapakali ang puso ko, sinta,
Hindi ko maipagkakaila itong kaba,
Kaba na nariyan, masilayan lang kita.

Halos lumabas ang aking puso,
Sa sobrang kaba at takot ko,
Ibang klase ang nadarama pagdating sa'yo,
Ng puso kong walang ibang sinigaw kundi pangalan mo.

Bakit nga ba ako kinakabahan, makita ka lang?
Kasiyahan, 'yan lang ang aking nararamdaman,
Korni man, pero sinasabi ko lang ang katotohanan,
Kahit na para sa'yo'y wala lang,
Pero para sa'kin ito'y higit pa sa isang daan.

Ano rin kaya'ng nararamdaman mo?
Kumakabog din kaya ang 'yong puso?
Tumitigil din ba ang 'yong mundo?
T'wing nakikita mo siya o t'wing nakikita mo ako?

Dinadalaw ka din ba ng kaba?
Ano ba'ng epekto nito sa'yo sinta?
Gaano ka ba talaga kahalaga?
Para bigyan ako ng ganitong uri ng kaba?

poemsWhere stories live. Discover now