N A K A K A P A N G H I N A Y A N G

11 0 0
                                    

Natatakot ako,
Sa mga bagay-bagay na nagbabago,
Sa bagay na kailan ma'y 'di na maitago,
Sa mga bagay na nakakapanghinayang lalo.

Nakakawalang gana,
Nakaka-mukhang tanga,
Nang dahil sa pagsunod, ika'y nahulog na,
Sa bangin ng pagmamahalan na walang sasalo, sinta.

Walang sumalo,
Sa taong gusto ko,
Kung ako lang sana ang bangin na nahulugan mo,
Sigurado ako'ng may sasalo sa'yo.

Nakakapanghinayang,
Pagmamahal mo sa kaniya'y nasayang,
Ipinaglaban mo ang inyong pagmamahalan ng buong tapang,
At ngayon ang 'yong luha lamang ang basa sa lupang tigang.

Nakakatakot,
Nakakatakot na mapaglaruan ng bagot,
Nakakapanghinayang ang kaniyang mga sagot,
Nakakasakit na wala namang gamot.

Nakakapanghinayang ang inyong pagmamahalan,
Na nauwi lamang sa ere't kawalan,
Nandito ka ngayon sa balikat ko't luhaan,
At ang puso mong nawasak, hinayaan at nasaktan.

poemsWhere stories live. Discover now