Sa oras na pumatak ang ulan,
Ang iyong mga mata ay luhaan,
At hindi mo na magawang tumahan,
Na tila ba ang panahon, ika'y dinadamayan.Sa oras na ito'y tumila,
Ang 'yong mga mata'y titigil na sa pagluha,
Ngunit hindi nito mapapawi ang mga ala-ala,
At kailangan pang maghintay sapagkat ang paghilom ay matagal pa.Ang pagdampi ng hangin,
Pagdampi sa 'yong pisingi'y iisipin,
Iisipin na sana ito'y ulitin,
Ngunit alam ko na ako'y 'di mo na muling iibigin.Mayroong nakikitang bahag-hari,
Ngumiti ka kahit na kunwari,
Ano ang iyong iisipin kung sakali,
Na ang pagmamahal niyo'y nagkasalisi?Mahal mo siya,
Alam mong alam niya ang 'yong nadarama,
Ngunit bakit 'di niya magawa?
Bakit 'di niya magawang suklian ang pag-ibig mo, sinta?Sa pagtuyo ng lupa,
Siya na ding katapusan ng iyong pag-asa,
Pag-asa na ang nagpundar ay kayong dalawa,
Ngunit ngayon, ito'y wala na.Sa pagpatak ng ulan,
Uuwi ka na namang luhaan,
Tumigil ka na at tumahan,
Tumigil ka na dahil ayokong ika'y nasasaktan.