"Tara pasok ka." imbita ni Alyssa at ginagawa naman yun ni Ara saka nilibot ang mata sa buong lugar.
"Ayos 'tong inn na 'to ah." sambit ni Ara habang tinatanggal ang sapatos nya. "Ang spacious."
"Oo nga e." sabi ni Alyssa ng nakangiti. "Nga pala nagsabi na din ako sa may-ari about sa extrang bed para sa room so you won't have to worry about it."
"Marunong bang mag-English yung may-ari?" tanong ni Ara at umiling naman si Alyssa. "Wait. Marunong kang mag-Hangul?" gulat na tanong ni Ara pagkaupong-pagkaupo nya sa sofa at tumango naman si Alyssa at tinupi naman ang mga braso nya.
"예 (Yes)." pagmamalaking sambit ni Alyssa. "근소한 (Slight)." dagdag ni Alyssa kaya natawa ng bahagya sila pareho ni Ara.
"Ang importante marunong ka kahit papano." saad ni Ara.
"Yes. That's right, yo." pabirong sabi ni Alyssa na parehas nilang kinatawa
"Ly, sa'n ko pwede ilagay 'to?" tanong ni Mika na hindi nila napansing nakatayo sa may pintuan.
"Ay, Ye. Ako na dyan." saad ni Alyssa at akmang kukunin ang maleta ni Ara ng pinigilan sya ni Mika.
"Ako na. Medyo mabigat e. San ko ba 'to lalagay?" tanong ni Mika at ngumiti si Alyssa bago itinuro ang kwarto nya.
"Salamat, Ye." sambit ni Alyssa habang dinadala ni Mika ang maleta ni Ara sa kwarto.
"So hanggang bukas ka na lang pala dito sa Korea, Ly?" tanong ni Ara.
"Oo eh. Actually dapat ngayon ako aalis pero na move yung flight ko bukas." sagot ni Alyssa at tumabi kay Ara sa sofa. "Teka di ka sasabay sa'kin bukas?" nagtatakang tanong ni Alyssa at umiling naman si Ara.
"Bukas din yung flight ko pero delayed ng konti." saad ni Ara at tumango naman si Alyssa
"Dahil ba 'to dun sa kakausapin mo?" tanong ni Alyssa
"Yes." simpleng sagot ni Ara.
"Oh~ So kelan mo sya papakilala sa'kin?" tanong ni Alyssa. "I'll be leaving tomorrow...technically the next day since 2am araw yung flight." dagdag ni Alyssa at napatinginan naman si Ara kay Mika nakakalabas lang ng kwarto.
"Pag sigurado na akong gusto nya din magpakilala sa'yo."
171017-11010355
YOU ARE READING
18
Fanfiction"...and then she met her past along with her present." Book 2 of MikaSa fanfiction titled 17