ARA POV
"VICTONARA!!!"
Sigaw ng mga kaibigan nya ng makita sya nitong pumapasok sa loob ng kwarto at tumakbo sila papalapit sa kanya para yakapin. Halos di sya makahinga sa dami nilang sabay-sabay na yumakap sa kanya.
Nasa isang private room sila sa club na madalas nilang puntahan. Tulad ng kanilang nakagawian, punong-puno ang malaking table nito ng alak at pagkain at merong mahabang pulang upuan na nakapalibot sa kwarto na para bang isa itong noraebang (karaoke).
"Teka lang. Di ako makahinga." hirap na sabi ni Ara at tila natauhan ang mga kaibigan at lumayo sa kanya.
Bakas sa mukha ng mga kaibigan ni Ara ang tuwa na nakita syang muli pagkatapos ng maraming taon at di matatanggi ni Ara na ganun din sya.
"Baka gusto nyong papasukin muna kami?" narinig ni Ara na sabi ni Mika na katabi si Alyssa na nasa likuran nya.
Kaagad naman silang pinapasok ng mga kaibigan. Umupo sya malapit sa pintuan samantalang si Mika at Alyssa napiling umupo sa tapat nya. Para namang isang artista si Ara dahil ang atensyon ng mga kaibagan ay nasa kanya.
"Etong baklang 'to. Hindi nagsabi na uuwi ka dito." saad ni Carol na nasa kanan nya, sabay mahinang sabunot kay Ara na tinawanan lang nito.
"Biglaan din kasi e. Diretso na nga dapat akong Pinas para mag-training ulit." sagot ni Ara na nakangiti sa mga kaibigang bakas sa mga mukha ang di mapaglagyang tuwa.
"Aww. Na miss mo na talaga kami 'no?" ani ni Camille, na nakaupo sa kaliwa nya, at umarte parang nagpupunas ng luha.
"Syempre na miss ko kayong lahat. Maliban sa'yo kasi si Cienne lang na miss ko." sagot ni Ara na kinasimangot ni Camille at bigla 'tong tumayo papalapit sa pinto ng kwarto.
"Okay na. Pwede ka na ulit umalis." saad ni Camille saka bukas ng pinto ng kwarto na kinatawa nila.
"Joke lang, Cams." saad ni Aras aka tumayo din para hilain ulit si Camille pabalik ng sofa. "Syempre miss ko na kayong lahat. Pati na din 'tong club. Dito tayo madalas magwala nun e." saad ni Ara habang nakangiti dahil sa mga naaalala nyang kalokohan nila noon.
"Baka ikaw yun. Ikaw lang naman madalas umuwing lasing e. Wala ngang gustong mag-uwi sa'yo kahit si Ye." saad ni Kim at tumawa silang lahat.
"Si Ye pa ba? E ayaw nyan sa lasing." Camille said at tumango naman silang lahat bilang sang-ayon
"Speaking of lasing, I heard someone dared to vomit kay Daks." tumatawang saad ni Ara at kinuha ang isang bote ng beer sa mesa sa tapat nya. "Sino yun? Kailangan kong kamustahin kung buo pa ba buto nya." dagdag ni Ara habang tumatawa. "I bet Mika wrestled that person." ani ni Aras aka uminom sa boteng hawak.
"Ano...A-ako yun." pag-amin ni Alyssa na dahan-dahang tinataas ang kamay na kinabigla ni Ara.
"Seryoso!?" tanong ni Ara at tumungo ng bahagya si Alyssa sabay baba ng kamay. Tumawa ng malakas si Ara saka inubos ang laman ng boteng hawak nya. "Siguradong inis na inis si Daks sa'yo. Kamusta naman buto mo? Hindi ka naman nya binalian di ba?" tanong ni Ara kay Alyssa na kasalukuyang nakakagat sa labi. "Alam mo ba, Ly. Nung one time na nalasing ako tapos galit na galit si Mika kasi muntik ko syang masukahan kahit na mahal nya—."
Naputol si Ara sa pagkwe-kwento ng makarinig ng isang malakas na lagapak ng bote sa mesa. Napatingin silang lahat sa pinanggalingan ng tunog at nakitang ito'y si Mika na nakahawak sa isang boteng wala ng laman at malalim ang tingin kay Ara.
"Si Kim kasi talaga ang may kasalanan nun." ani ni Carol pambasag sa tensyon. "Bottom's up ng soju ang pinagawa kay Ly." dagdag nito na agad namang dinepensahan ni Kim ang sarili.
"In my defense, hindi ko naman akalain na knock out agad si Aly nun. Malakas din kaya uminom yan." saad ni Kim pagkatapos nyang ubusin ang bote ng alak na hawak nya.
"So, Ara? Kamusta? Hindi ka na namin mahagilap after you got married." tanong ni Cha at tila mas lalong nabaling ang atensyon kay Ara ng dahil sa tanong.
"Ganun talaga. Priority na ang family when you get married e." sagot ni Ara na nangiti na nagdulot ng mga kantyaw sa mga kaibigan maliban kay Cha na tumutungo na tila sumang-ayon sa kanyang sinabi. "Mag-si-asawa na din kasi kayo."
"E bakit naman si Ate Cha nakakausap pa din namin, nakakainuman, nakakalaro namin. E ikaw as in wala. After nyong maghiwalay ni Y..." hindi na tinuloy ni Cienne ang sasabihin at muling nagkaroon ng tensyon sa paligid.
"Magkaiba naman kasi kami ni Ate, Ciens. Sya dito lang sa Korea. Ako sa Pinas pa." sagot ni Ara saka inubos ang laman ng boteng hawak nya kanina pa.
"Hina mo ata uminom ngayon ah." puna ni Kim na sa itsura nito ay nakakarami na ng inom.
"Bawal uminom ng marami." saad ni Ara at nagtatakang tiningnan sya ng mga kasama. Napatawa ng mahina si Ara. "Ayaw ng asawa ko sa lasing."
"Ah. Parang si Ye." saad ni Kim na tila hindi inaasahang sinabi nya yun ng malakas dahil agad nitong tinakpan ang bibig. "Comparison lang yun. Walang halong pang-iinis." dagdag ni Kim na hindi din nakatulong dahil sa sya naman ang binibigyan ni Mika ng matalim na tingin.
"Sya nga pala, Ara. Kelan nyo balak mag-ka-baby? Three years na din kayong kasal di ba?" tanong ni Cienne at ang ngiti sa mukha ni Ara ay unti-unting naglaho pero mabilis ding napalitan ng mapait na ngiti.
"Kamusta naman kayo dito?" tanong ni Ara at nakita nyang nagtinginan ang mga kaibigan nya. "Pupunta dapat ako nung nakaraan e. Sayang yun na dapat official reunion natin." ani ni Ara at kumuha ulit ng bagong bote ng alak mula sa lamesa.
"Ayos lang din. Hindi din naman kumpleto nun e. Maraming wala gawa ng busy." sagot ni Cha at tumango lang si Ara.
"Ly, kwento ka naman dyan. Nakilala mo na ba sila?" tanong ni Ara kay Alyssa na tila nabalik sa wisyo mula sa pagkakatitig kay Mika.
"H-ha? Ah. Oo. Nung nakaraan pa." sagot ni Alyssa at ngumiti lang si Ara.
"Pagpasensyahan mo na yang si Wafs at pinainom ka ng soju." paghingi ng tawad ni Ara ng may mahinang tawa gawa ng itsura ni Kim na tila batang napagalitan sa sulok.
"Hindi. Okay lang." saad ni Alyssa at sumaglit ng tingin kay Kim na naka-pout na habang pinaglalaruan ang boteng hawak. "Kasalanan ko din naman e. Binilinan na din naman ako ni Ye pero hindi ako nakinig." dagdag ni Alyssa at tumingin kay Mika na mapungay na nakatingin sa kanya.
"Naks. Sweet mo talaga, Daks." sabi ni Ara at muling binaling ni Mika ang tingin sa kanya ng matalim. "Bakit? Ayaw mo pa din sa compliment—."
"Stop." sabi ni Mika na tila nagbabanta.
"Wala naman akong—." ani ni Ara pero pinutol ulit ito ni Mika.
"I said, stop." saad ni Mika na mas may diin sa tono.
"Tara inom!" sigaw ni Kim na biglang tumayo at tinaas ang boteng hawak. "Dali! Cheers!" engganyo ni Kim sa mga kaibigan na nagsikuha ng sarili nilang bote at tinaas din sa ere.
Hindi dapat tatayo si Mika ngunit tila may mahika ang pagtingin ni Alyssa kay Mika at agad din 'tong tumayo.
"Para sa pagbalik ni Wafs. Sana wag mo na kaming kalimutan sa sunod kahit pag bumalik ka na sa Pinas." ani ni Kim na sinang-ayunan ng mga kaibigan.
"Hindi na. Walang nang makakalimot." saad ni Ara at ngumiti ng magtama ang mga mata nila ni Mika at saka sila nag-cheers.
171024-11011281
YOU ARE READING
18
Fanfiction"...and then she met her past along with her present." Book 2 of MikaSa fanfiction titled 17